6 na Pinay celebrity transgender, proud at walang pinagsisisihan sa kanilang pagkatao ngayon

6 na Pinay celebrity transgender, proud at walang pinagsisisihan sa kanilang pagkatao ngayon

- Sila ang mga Proud Pinay Transgender na proud at masaya sa kabila ng pinili nilang bagong buhay

- Ang iba sa kanila ay gumawa ng ingay sa pagbabagong anyo

- Karamamihan sa kanila ay matagumpay pa rin kahit sila ay mukhang babae na talaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magaganda at matagumpay ang mga proud Pinay transgender na ito na masaya sa kani-kanilang buhay nila ngayon.

Nalaman ng KAMI na ang iba pa sa kanila gumawa ng ingay nang sila ay tuluyang nagbago ng anyo.

Ayon sa Pilipino scoop, sa kabila ng ilang panghuhusga at di pag-unawa sa kanialng napiling kasarian, masasabi ng mga Pinay transgender na ito na mahal nila ang kanilang sarili at wala silang pinagsisisihan.

1. Geena Rocero

Isang Fil-Am model si Geena na siyang founder ng advocacy group na 'Gender Proud' na ipinaglalaban ang karapatan ng mga transgender sa buong mundo. Taong 2016 nang personal na pasalamatan ni Geena ang dating Presidente ng USA na si Barack Obama dahil ginawa nitong "Pride Month" ang buwan ng Hunyo.

2. Bb Gandanghari

Gumawa nang ingay noong 2006 ang dating si Rustom Padilla sa Pinoy Big Brother House sa pag-amin na siya ay may pusong babae. Hanggang sa tuluyan na siyang nagbagong anyo at naging si Bb Gandanghari. Siya ay tahimik na namumuhay na ngayon sa Amerika.

3. Geraldine Roman

Manunulat at isang Congresswoman si Geraldine na siyang kauna-unahang transgender woman sa House of Representatives sa Pilipinas.

4. Angelina Mead King

Isang certified hunk ang dating si Ian Angelo King dahil sa pagiging cer enthusiast nito. Siya ang asawa ng model at VJ na si Joey Mead na nanatili pa ring kasal kay Angelina sa kabila ng pagbabagong anyo nito. Taong 2016 lamang nang lumantad ang dating Ian na ngayon at Angelina.

5. Francine Garcia

Si Francine ay nakoronahan bilang Super Sireyna 2013. Ngayon, isa na rin siyang Kapuso actress.

6. Ate Glow

Sumikat noon si Ate Glow sa panggagaya niya sa dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Ngayon, si Renee Hampshire sa totoong buhay ay masayang naninirahan na sa UK kasama ang kanyang British husband.

Sa kabila ng kanilang tuluyang pagbabagong anyo, masayang masaya naman sila sa buhay nila ngayon.

How can we motivate ourselves to work hard and not give up? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel