Napaiyak ang mga netizens sa social experiment na ito
- Bawat bata ay gustong makatapos ng pag-aaral para maabot ang mga pangarap at matulungan ang pamilya.
- Pero hindi lahat ng bata ay maswerte at nakakaluwag sa buhay dahil may mga batang pumapasok na naglalakad lang patungong eskwelahan.
- Dahil dito ay gumawa ang 'GMA Public Affairs' sa pamamagitan ng kanilang palatuntunan na 'Good News' ng isang social experiment na talaga namang nakakaantig sa puso ng mga Pinoy.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa nasabing social experiement may isang batang babae na estudyante at tindera ng mga sapatos at tsinelas na kanilang kinuhang mga kasabwat.
Ang batang babae na estudyante ay suot-suot ang isang sirang sira na sapatos resulta ng paglalakad araw-araw.
Pumunta ito sa isang tindahan ng mga sapatos at tsinelas na kung saan nandoon ang tindera na isa nilang kasabwat sa social experiment.
Dito ay magmamakawa ang bata na humingi ng tawad sa tsinelas na binibili dahil nga sira-sira na ang sapatos nito at gusto lang makapunta ng eskwelahan ng maayos.
Pero kahit tsinelas ay mukhang hindi kayang bilhin ng bata dahil wala na talaga siyang pera.
Kaya tumawad siya sa presyo sa tindera pero hindi papayag ang huli dahil siya naman ang magbabayad at wala din syang iaabuno.
Ang social experiment na ito ay tingnan kung gaano ka kaganda ang puso ng Pinoy na kahit walang-wala din sila ay walang atubiling tumulong sa bata.
Nakakaiyak na masarap isipin kung gaano kabuti ang pusong Pinoy at talaga KAMI ay napaluha din sa kwento ng likas na kabaitan nating mga Filipino.
Na-touch din ang mga manonood kaya nakapagcomment din sila tungkol sa video na ito at narito ang ilan sa kanila:
"Marami pa rin talagang mga Piilipino ang matulungin at maawain, palagay ko likas talaga sa ating mga Pilipino ang kaugaliang ito!!!"
"iba padin ang ugaling pinoy, tlga. :)"
"Yung literal na umiyak ako sa episode na ito, proud Pinoy here"
"Marami parin tlgang matulungin na tao at mababait .(emojis) yan ang mga pilipino matulungin sa kapwa."
"salodo tlga ako sa mga tao mabuti ang kalooban...God bless u all"
Ginawa ang social experiment na ito dahil sa lumabas na pagsusuri maraming mga estudyanteng Pinoy ang problema ay transportasyon kaya naglalakad na lang ang karamihan sa kanila.
Pagkatapos maiyak, magpa-good-vibes naman tayo sa aming nakakaaliw na bagong video.
Kung ikaw ang tatanong "What if you replace one word in a movie title with the word 'fart'?"
Watch more HumanMeter YouTube videos here
Source: KAMI.com.gh