Kwelang Boyfriend, 'holdap' ang ginamit na eksena para sa marriage proposal sa kanyang nobya

Kwelang Boyfriend, 'holdap' ang ginamit na eksena para sa marriage proposal sa kanyang nobya

- Kakaiba ang eksena na ito ng isang lalaki kung saan 'holdap' ang pakulo niya para sa marriage proposal kanyang girlfriend

- Sa kabila ng agaw eksenang holdap scenario na ito, buti na lamang at 'yes' ang sagot ng kanyang girlfriend

- Ikinasal naman ang dalawa na kalaunan ay nagkaroon na ng dalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayon na kanya-kanyang eksena ang mga marriage proposals, tila kakaiba talaga at ninerbyusin ka muna bago ka mapa-oo ng diskarte ni Calvin Leorna sa kanyang girlfriend.

Nalaman ng KAMI na nakipagsabwatan pa si Calvin sa lugar kung saan sila may date ng kanyang girlfriend sa 'Van Gogh is bipolar' restaurant sa Quezon City para lamang maisakatuparan ang 'holdap' marriage proposal na inihanda para sa girlfriend.

Ayon sa Pilipino Scoop, November 23, 2013 noon nang masayang nagdi-date ang magkasintahan nang bigalang may pumasok na armadong lalaki na hinahabol di umano ng pulis sa restaurant at nagdeklara ng 'holdap'

"Pinaghiwalay kami tapos siya (Calvin) parang iho-hostage," ani Annabelle.

At dahil hawak ng 'holdaper' si Calvin, hiniling muna niya na bago pa man kung ano ang mangyari at gawin sa kanya ay pakasalan muna niya ang girlfriend na si Annabelle.

"Nakiusap ako na kung puwedeng magawa ko muna 'yong gusto kong gawin," ani Calvin

"Iyong premise, kung kukunin na ako ni Lord, huling hiling ko na 'di ko pa nagagawa ay yung pakasalan siya," kwento ni Calvin.

Sa mismong video na kuha sa eksenang iyon, maririnig pa na nagrereklamo si Calvin na wala itong singsing para sa nobya.

'Holdap' marriage proposal, nagviral sa social media

image: ASAP TLC/abs-cbn

Doon na lamang nalaman ni Annabelle na pakulo lang ito lahat ni Calvin na noon ay inabutan na ng singsing ng holdaper para maibigay kay Annabelle.

"Hindi ko talaga in-expect na magpo-propose siya noong gabing iyon, naloko ako noon ah," pahayag ni Annabelle.

Sa kabila ng nakakanerbyos na eksenang ito, 'Yes' ang sagot ni Annabelle kay Calvin at sila ay nauwi rin sa altar.

'Holdap' marriage proposal, nagviral sa social media

image: ASAP TLC/abs-cbn

Masaya man ang kanilang pagsasama, isa agad pagsubok ang dinanas nilang mag-asawa nang makunan si Annabelle sa una nilang anak.

Ngunit dahil na rin likas na masayahin at palabiro si Calvin, humugot si Annabelle ng lakas sa kanyang asawa.

'Holdap' marriage proposal, nagviral sa social media

image: ASAP TLC/abs-cbn

"He was just there. [Tuwing] madaling araw, iiyak ako, yayakapin niya ako,"kwento ni Annabelle.

Kalaunan ay nalampasan nila ang pagsubok na ito at nabiyayaan na rin sila ng dalawang anak.

Will someone respond to this translate challenge? Philippines Translate Challenge: Can You Translate This | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel