Plano na daw talaga niya mag retire; Joross Gamboa, ibinahagi ang huling napag-usapan nila ni John Lloyd Cruz

Plano na daw talaga niya mag retire; Joross Gamboa, ibinahagi ang huling napag-usapan nila ni John Lloyd Cruz

- Nagsalita na ang kaibigan ni John Lloyd Cruz na si Joross Gamboa tungkol sa huli nilang pag-uusap

- Ayon sa aktor, gusto na daw talaga ni John Lloyd Cruz magpahinga

- Dagdag pa ni Joross, kahit malapit silang magkaibiganni John Lloyd, hindi sila nagpapakealamanan ng mga desisyon sa bhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw di umano makialam ni Joross Gamboa sa mga isyu patungkol sa kontrobersiyal na aktor at aktres na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ayon kay Joross, kahit na malapit silang magkaibigan ni John Lloyd ay hindi sila nakikialam sa personal na buhay ng isa't isa.

Ayon sa kany, “Kasi bilang lalaki, hindi naman kami mga pakialamero, e.

“Nanganak yung ano ko, wala naman sa kanilang nangialam, wala namang nangumusta.

“Ganun naman ang mga lalaki, walang pakialam. Kapag nagkita na lang kayo, ‘O, ano kumusta?’

“So, sa akin hindi issue yun. Wala talaga.”

PAra sa aktor wala siya sa psisyon para sabihin kung talagang mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

“Sa akin, approve ako kahit sino dahil siya ang papakasalan, hindi ako. So wala akong pakialam.

“Although kahit sabihin mo na tropa ko yung iba, tropa ko si Angelica [Panganiban].

“Pero desisyon niya yun, e. Nandun ako sa kanilang dalawa, pero buhay nila yun. Wala akong magagawa.”

Dahil na rin sa pinagsamahang mga pelikula, naging malapit na magkakaibigan sina John Lloyd, Joross, Ketchup Eusebio, at ang direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Ayon nga sa isang panayam sa magaling na direktor, hindi na daw niya ikinagulat ang naging desisyon ni John Lloyd.

Para kay Joross deserve naman daw talaga ni John Lloyd ang pahinga mula sa magulong mundo ng showbiz.

“Nakausap ko na rin siya before pa, bago pa magsimula yung La Luna Sangre, sinu-shoot pa lang namin."

“Plano na talaga niya mag-retire this year. Magpa-farm nga siya. Totoo naman, marami akong taong kilalang ganyan.

“Plano niya siguro, baka produce produce siya ng pelikula, at least hawak niya… Yun ang napag-usapan namin kaya hindi ako nagulat.

“He needed that break.”

8 Amazing clothes hanger hacks everyone must know - on Kami YouTube channel

Check out these amazing life hacks that will surely organize your stuff at home.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel