Ogie Diaz touched by his proud daughter for having a dad like him

Ogie Diaz touched by his proud daughter for having a dad like him

Comedian and actor Ogie Diaz might be known for entertaining live and TV audiences but he sure has a soft spot too.

Ogie shared his touching conversation with his daughter on Facebook as they had a heart-to-heart father and daughter talk when she did not pass an entrance exam.

Ogie wrote:

"'Daddy, ano'ng result po ng exam ko?' 'Yun agad ang bungad sa akin ng eldest daughter ko na graduating that time sa elementary, 2015.

Gusto niyang malaman kung nakapasa ba siya sa entrance exams para sa Grade 7 sa isang school.

Ipinabasa ko sa kanya ang mahabang text message sa akin ng admin ng school, at ang huling message: 'Did not pass the assessment.'

I asked my daughter, 'Malungkot ka ba, anak?'

-'Hindi naman, daddy. Gano'n talaga, eh. Okay lang po 'yon.'

ogie-diaz

'Anak, 'wag kang malungkot, ha? Kasi, si daddy, nag-entrance exams noon ng college sa UP, hindi rin ako nakapasa. Kasi, kung nakapasa si daddy, baka tinapos ko ang college ko tapos wala ako sa showbiz, nasa ibang work ako. Baka hindi ko rin na-meet ang mama mo eh di wala rin kayong magkakapatid, di ba? Kaya kapag hindi ibinigay ni God ang gusto mo, 'wag mong pilitin dahil may mas maganda Siyang plano para sa 'yo. Look at daddy. High school graduate lang ako, pero kahit paano, may narating naman ang daddy, di ba?'

Pero nakikita ko, lumuluha na ang anak ko.

'Bakit ka umiiyak, anak?'

-'Hindi naman ako uniiyak, daddy, kung hindi ako nakapasa eh. Umiiyak ako kasi sobrang proud lang ako sa 'yo, daddy!'

Ayun, ako naman ang nagpigil ng luha."

Don't forget to subscribe to KAMI YouTube channel:

https://www.youtube.com/channel/UC3m6QZbXFp6VEZFlfBj43rw

Related news
Glow with yellow! Kris Aquino wears Aquino’s color in new lookbook video

Glow with yellow! Kris Aquino wears Aquino’s color in new lookbook video

Glow with yellow! Kris Aquino wears Aquino’s color in new lookbook video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel