Isang Kabayo nag-luksa sa libing ng kanyang best friend na Amo.
Sa tuwing mayroong namamatay madalas bumubuhos ang pakikiramay ng mga tao sa paligid natin, kasama ng pamilya at mga kaibigan. Ganoon ang nangyari nang pumanaw ang isang lalaking nasa 34 na taong gulang sa isang aksidente sa motor sa bansang Brazil, at higit doon ang nakiramay si Sereno, ang pinakamamahal niyang kabayo.
Ang pamilya at kaibigan ni Wagner Lima ay lubos na nalulungkot sa pagkawala niya, ngunit hindi maikukumpara ang sakit na nararamdaman ng kanyang pinakamatalik na kaibigan.. ang kabayong si Sereno.
Sa pagtatapos ng lamay na ginanap, ang kapatid ni Wagner na si Wando, ay nagpasya na maaaring dumalaw si Sereno upang makita sa huling pagkakataon ang kanyang amo.
Nang dumating ang sasakyang magdadala sa kabaong ni Lima, napansin ito ni Sereno na ito na alam na niyang wala na ang kaniyang kaibigan at lumapit siya sa kabaong, inamoy ito. At pagkatapos, ay ipinatong ang kanyang ulo sa ibabaw ng kabaong.
“Ang kabayong ito ay ang lahat para sa kanya, parang nauunawaan ng kabayo ang nangyayari at nagpapalaam ito” sabi ni Wando sa nakitang pangyayari.
Pagktapos, sumama si Sereno sa iba pang nagluluksa papunta sa huling hantungan ni Lima.
Kinakitaan pa ng hinagpis si Sereno; “Sa pagpunta sa sementeryo, minsan makikita mong galit siya at hinahampas ang kanyang mga paa ng malakas sa sahig” Obserbasyon ni Wando.
Hindi man natin alam kung hanggang saan ang nararamdaman ng mga hayop kung ikukumpara sa atin, pero ang pagluluksa at pagiyak sa tuwing tayo ay nawawalan ng mahal sa buhay, ang kinaiba natin sa mga hayop ay hindi makikita sapagka’t gaya natin alam din nila kung paano makaramdam ng pagdalamhati.
Mainam para kay Sereno, hindi siya nagiisa sa paglaban sa kalungkutan.
Isinama si Sereno sa ilang mga kabayo na pagmamay-ari ng kapatid ni Lima at itinuring na ding parte ng pamilya – Ito’y para ipakita at patuloy na iparamdam ang pag-aalaga na ginawa ni Lima sa kanyang kabayo.
Source: KAMI.com.gh