6 na pugot na ulo at mga bangkay, natagpuan sa isang kalsada
US

6 na pugot na ulo at mga bangkay, natagpuan sa isang kalsada

  • Anim na pugot na ulo ng tao ang natagpuan sa kalsada sa pagitan ng Puebla at Tlaxcala, Mexico
  • Ayon sa mga ulat, may kalakip na polyeto na nagsasabing may kinalaman ito sa away ng mga gang na nagnanakaw ng gasolina
  • Karaniwang hindi marahas ang mga lugar na ito, ngunit unti-unti nang nadadamay sa matinding karahasan ng droga
  • Sa buong Mexico, libo-libong tao na ang nasawi at nawawala mula nang magsimula ang giyera kontra droga noong 2006

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Nagdulot ng matinding takot sa publiko ang pagkakadiskubre ng anim na pugot na ulo ng tao sa isang kalsada sa central Mexico, partikular sa bahagi ng Puebla at Tlaxcala.

Ayon sa mga awtoridad, unang nakapansin ng mga labi ang mga motorista na dumaraan sa naturang daan.

Kinumpirma ng piskalya na ang mga ulo ay pag-aari ng mga lalaki.

Bukod dito, natagpuan din ang isa pang ulo at ilang bahagi ng katawan sa lungsod ng Colima.

Read also

TikTok mommy, pinatay ang mister na may cancer, 2 nilang anak, at ang kanyang sarili

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa lugar kung saan nahanap ang mga ulo sa Tlaxcala, may iniwang polyeto na nagsasabing konektado ang insidente sa mga gang na nag-aagawan at nagnanakaw ng gasolina.

Bagama’t may presensya ng mga gang sa Puebla at Tlaxcala na sangkot sa droga at fuel theft, hindi karaniwan sa mga estadong ito ang ganitong uri ng matinding karahasan.

Kadalasan itong nangyayari sa hilaga at sa Pacific coast ng Mexico, kung saan aktibo ang malalaking drug cartel.

Gayunpaman, nitong mga nakaraang buwan ay may naiuulat nang mga bangkay na natatagpuan malapit sa hangganan ng dalawang estado.

Hindi ito ang unang insidente ng ganitong uri ng karahasan sa bansa. Noong Hunyo 30, 20 bangkay ang natagpuan sa Sinaloa, lima rito ay pugot ang ulo.

Noong Marso 2022, anim na ulo at iba pang bahagi ng katawan ang naiwan sa ibabaw ng isang sasakyan sa Chilapa, Guerrero.

Mula pa noong 2006 nang magpadala ng federal troops ang gobyerno laban sa mga drug cartel, tinatayang nasa 480,000 katao na ang nasawi dahil sa karahasang may kaugnayan sa droga, at higit 130,000 naman ang nananatiling nawawala.

Read also

Buy-bust operation sa Parañaque, nauwi sa pagkamatay ng suspek dahil sa heart attack

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

May-ari ng 19 na mga motor na sangkot sa drag race sa Bulacan, pinapatawag ng LTO

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: