Kapatid ni Jay Manalo, idinetalye ang pagkikita nila ng inang Korean makalipas ang 31 taon

Kapatid ni Jay Manalo, idinetalye ang pagkikita nila ng inang Korean makalipas ang 31 taon

- Naidetalye ni Julius Manalo paano niya nahanap ang ina makalipas ang 31 na taon

- Si Julius ay half brother at nakababatang kapatid ng aktor na si Jay Manalo

- Anim na taon pa lamang si Julius nang lisanin ang Korea para umuwi sa Pilipinas kung saan nawalay na siya nang tuluyan sa ina

- Aminadong nakaramdam ng sama ng loob sa ina, ngunit tila nabura umano lahat nang muli silang magkita

Matapos mag-viral sa TikTok ang kwento ng pulis na si Julius Manalo, nabigyan ito ng pagkakataon na maidetalye paano niya muling nakita ang ina niyang Korean makalipas ang 31 na taon.

Kapatid ni Jay Manalo, idinetalye ang pagkikita nila ng inang Korean makalipas ang 31 taon
Kapatid ni Jay Manalo, idinetalye ang pagkikita nila ng inang Korean makalipas ang 31 taon (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Sa programang Toni Talks, nilinaw ni Julius na hindi lamang makalipas 31 taon saka lamang niya naisip na hanapin ang ina.

Aniya, sa tuwing magkakaroon ng pagkakataong may mapapagtanungan siya na may kaugnayan sa Korea, sinisikap niyang magbakasakali na matulungan siyang mahanap ang kanyang "omma"

Read also

Manliligaw ni Fyang, nagpost matapos ang pagsabi nyang ititigil nya na ang panliligaw sa dalaga

Nang mapagamit siya sa unang pagkakataon ng kapatid na aktor na si Jay Manalo ng internet, sinamantala na niya noon ang pagkakataon na hanapin ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit, nabigo siya sa dami ng kapangalan nito na ayon sa kanyang mga napagtanungan ay "common" sa Korea.

Hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Isang Korean ang nag-install ng water equipment sa kanilang bahay ang nakapansin sa anak ni Julius na aniya'y mukha umanong Korean.

Doon nasabi ng kanyang biyenan na may lahi nga umanong Korean ang bata. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na makita at makausap na ng installer na ito si Julius.

"Papakilala kita sa producer ng Mother Spring Day ang pangalan ng palabas nila. Unang pitch pa lang niya, unang sabi pa lang niya, tulungan natin yan ang sabi nila," kwento ni Julius nang makilala niya si Sir Steve na ang tawag niya ay "angel" dahil ito umano ang naging daan para makilala niya ang ina.

Read also

Toni Gonzaga, emosyonal sa kwento ni Julius Manalo ukol sa inang hinanap sa loob ng 31 taon

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Isa ang Toni Talks ni Toni Gonzaga sa mga pinakaaabangang episode linggo-linggo na mapapanood sa YouTube. Ito ay dahil umano sa inspirasyong hatid nito sa kanyang mga manonood.

Matatandaang nagpaluha sa marami ang panayam niya kay Joel Regal, ang ama ng triplets na namatayan ng ina pagkapanganak. Doon inilahad ni Joel paano niya naitataguyod ang mga anak kahit wala na ang kanyang katuwang.

Gayundin ang kwento ng single mother na si Lorelei Go nasunod-sunod na namatayan umano ng tatlong mga anak dahil sa parehong sakit na liver cancer.Kinumusta ni Toni si Lorelei na kamangha-manghang patuloy na lumalaban sa buhay sa kabila ng sinapit ng mga anak na hiling niyang kapiling pa sana niya hanggang ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica