Inang halos sunod-sunod na taong namatayan ng tatlong anak, hinangaan sa katapangan

Inang halos sunod-sunod na taong namatayan ng tatlong anak, hinangaan sa katapangan

- Kinumusta ni Toni Gonzaga ang single mom na si Lorelei Go

-Matatandaang si Lorelei ang ina ng tatlong mga anak na lalake na pumanaw sa na halos isang taon Liv

- Hindi raw umano lubos maisip ni Toni Gonzaga kung paano kinaya ni Lorelei ang mga pinagdaanan sa kanyang mga anak

-Ayo pa kay Lorelei, malaking bagay na naisapuso na niya ang Diyos, dahilan para siya'y makangiti muli

Kinumusta ni Toni Gonzaga ang single mom na si Lorelei.

Inang halos sunod-sunod na taong namatayan ng tatlong anak, hinangaan sa katapangan
Inang halos sunod-sunod na taong namatayan ng tatlong anak, hinangaan sa katapangan (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Matatandaang si Lorelei ang ina nina Rowden, Hasset at Husham

Sila ang magkakapatid na halos sunod -sunod na pumanaw.

Ayon pa kay Lorelei, inakala niyang normal na lagnat lang naman ang ang noo'y dinamdam ng panganay niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang magpakonsulta na ito sa doktor, stage 4 liver cancer na pala ito. Sa kasamaang palad, ilang linggo na lamang ang itinagal nito ay pumanaw din.

Read also

Doc Willie Ong, may pakiusap sa TV5: "Baka pwedeng ayusin nyo naman ito"

Sa nangyari sa panganay na anak, naisipan nilang magka-check up lalo na ng dalawa pa niyang mga anak.

Doon nalaman nilang stage 3 na at parehong liver cancer din ang kalagayan nito. Nagawa pa umanong ipa-opera ang ikalawang anak subalit nang tumubo, nakitang may cancer muli ito.

Sa ikatlo niyang anak, aminado si Lorelie na halos hindi na niyang kayanin ang sakit gayung inubos na lahat ng kanyang anak.

Gayunpaman, malaki ang pasalamat siya sa sarili gayung matagal na niyang kinilala ang Panginoon sa puso niya. Ito umano ang pinaghugutan niya ng lakas hanggang ngayon.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga:

Isa ang Toni Talks ni Toni Gonzaga sa mga pinakaaabangang episode linggo-linggo na mapapanood sa YouTube. Ito ay dahil umano sa inspirasyong hatid nito sa kanyang mga manonood.

Matatandaang nagpaluha sa marami ang panayam niya kay Joel Regal, ang ama ng triplets na namatayan ng ina pagkapanganak. Doon inilahad ni Joel paano niya naitataguyod ang mga anak kahit wala na ang kanyang katuwang.

Read also

Mura, naipagpatuloy ang pagpapagawa ng bahay sa tulong ng isang vlogger

Labis din umano ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong at nagmalasakit sa kanilang mag-aama. Aniya, nagugulat na lamang sila na kahit hindi niya kilala, nagpapaabot talaga ng anumang tulong para sa kanila ng kanyang tatlong mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica