Pinoy Frankenstein na si Raul Dillo, naikwento ang tungkol sa kanyang karamdaman

Pinoy Frankenstein na si Raul Dillo, naikwento ang tungkol sa kanyang karamdaman

- Kinumusta ni Ogie Diaz ang tinaguriang Pinoy Frankenstein na si Raul Dillo

- Ito ay matapos niyang mag-viral sa TikTok habang naglalako ng longganisa sa gilid ng kalsada

- Naikwento ni Raul ang iba't ibang nararamdaman na niya sa ngayon

- Aniya, nakapagpatingin naman siya noon sa doktor subalit hindi na muling magawang bumalik dahil na rin sa paghahanapbuhay

Sinadya ni Ogie Diaz ang tinaguriang "Pinoy Frankenstein" na si Raul Dillo.

Pinoy Frankenstein na si Raul Dillo, naikwento ang tungkol sa kanyang karamdaman
Pinoy Frankenstein na si Raul Dillo, naikwento ang tungkol sa kanyang karamdaman (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Ito ay matapos niyang mag-viral kamakailan dahil sa kanyang video kung saan makikitang naglalako siya ng longganisa.

Ayon kay Raul, siya lamang ang nagha-hanapbuhay para maitaguyod ang kanyang pamilya.

Sanay siya umanong dumiskarte ng iba't ibang klase ng trabaho mula nang siya ay maulila sa kanyang mga magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Carmina Villaroel, nagsalita tungkol sa sinasabing 'pakialamerang nanay' sya

Iyon umano ang naging rason niya kung bakit ganoon na lamang ang kanyang kasipagan para sa kanyang pamilya.

Aniya, ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang mga naranasan niya noong siya'y musmos pa lamang.

Subalit, aminado si Raul na mayroon na rin siyang iba't ibang nararamdaman na naisasantabi na lamang niya dahil sa pagtatrabaho.

"Sa totoo lang, sa ngayon, ako po ay medyo marami pong nararamdaman sa katawan. Sa ngayon nga, itong aking tagiliran kumikirot po. Halos 3 months ko nang iniinda. Wala pa naman pong findings,"

Hindi na lamang niya ito iniinda dahil para sa kanya, mas mahalaga ang kikitain.

"Hangga't nakakatayo pa ako. Hangga't kaya pang tumayo ng mga tuhod ko, kaya ko pang humakbang, Pipilitin ko pa rin na itaguyod 'yung pamilya ko. Kasi wala po silang ibang maasahan kundi ako lang."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Isa sa mga huling naging proyekto ni Raul ay ang teleseryeng “FPJ's Batang Quiapo,” kung saan ginampanan niya ang papel bilang isa sa mga armadong tauhan ni Lorna Tolentino. Ayon kay Raul, si Coco Martin mismo ang tumawag sa kanya para maging bahagi ng nasabing serye.

Read also

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

Matatandaang madalas na mapanood si Raul noong dekada '90 kanyang pagganap sa ilang horror at comedy movies. Gayunpaman, bihira na rin siyang makasama sa ilang mga proyekto ngayon kaya naman kinailangan niyang maghanap ng ibang mga pagkakakitaan.

Maging si Bernadette Sembrano ay nagawang bisitahin si Raul upang ito ay makumusta. Bukod dito, hinandugan niya rin tricycle na labis na ikinatuwa ni Raul. Malaking bagay daw ang pagkakaroon niya nito lalo na sa pagsundo at hatid ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica