Ogie D, nakukulangan sa dating ng Tahanang Pinakamasaya: "Sariling opinyon ko ito ah"

Ogie D, nakukulangan sa dating ng Tahanang Pinakamasaya: "Sariling opinyon ko ito ah"

- Nagbigay ng kanyang opinyon si Ogie Diaz patungkol sa bagong pangalan ng noontime show sa GMA

- "Eat Bulaga" ito dati ng TAPE na agad na pinalitan ng 'Tahanang Pinakamasaya' noong Enero 6

- Ito ay matapos matanggap ng panig ng Tito, Vic and Joey ang desisyon ng korte sa kaso laban sa TAPE Inc. at maging sa GMA

- Noong Enero 5, emosyonal na inanunsyo ng TVJ na nanalo sila sa kaso kaya naman agad na nilang nagamit muli ang 'Eat Bulaga' sa kanilang noontime show na minsang naging E.A.T.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng diretsang opinyon si Ogie Diaz patungkol sa ipinalit na pangalan sa dating Eat Bulaga ng TAPE Inc. sa GMA.

Ogie D, nakukulangan sa dating ng Tahanang Pinakamasaya: "Sariling opinyon ko ito ah"
Isko Moreno, Paolo Contis, Buboy Villar at Betong Sumaya (Tahanang Pinakamasaya)
Source: Facebook

Ani Ogie, bagama't positibo ang hatid ng bagong titulo ng noontime show sa GMA, tila nakukulangan umano siya rito.

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

"Kahit positive ang dating ng bago nilang title, nakukulangan pa rin ako sa dating. Sariling opinyon ko ito ah."
"Pwede silang mag-iba ng title. Tutal, established naman na yun e. 'Yung show, 'yung mga host, andun na. Title na lang naman yan. Depende siguro 'yan. Baka may kontrata sila, sa mga brands. While being the Eat Bulaga, existing 'yung contract. Kung Eat Bulaga. 'Pag hindi na Eat Bulaga, a-out kami."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang noong Enero 5, agad na nag-live sina Tito, Vic at Joey upang ibahagi sa publiko ang email na natanggap ni Tito Sotto.

Ito ay kaugnay sa pagkakapanalo nila umano sa kasong isinampa laban sa TAPE Inc. kaugnay sa noontime show na Eat Bulaga.

Kaya naman sa opening number ng E.A.T. noong Enero 6, nakanta na muli nila ang orihinal na theme song ng kanilang noontime show at muli na rin nilang nagamit ang titulong 'Eat Bulaga.'

Read also

Ina ng anak ni Diego Loyzaga, lumantad; inakusahan ang aktor na pinalayas umano sila

Ito ang dahilan kung bakit nagpalit na rin agad ng titulo ang noontime show sa GMA at naging 'Tahanang Pinakamasaya.'

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. At noong June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Read also

Panunuyo ng BF sa nagtampong GF gamit ang tarpaulin, kinagiliwan online

Matatandaang noong Disyembre 5, 2023, nagkaroon ng press conference ang E.A.T. na pinangungunahan nina Tito, Vic at Joey kaugnay sa ibinabang desisyon ng intellectual property office, bureau of legal affairs patungkol sa Eat Bulaga. Doon nasasaad na hindi raw napatunayan ng TAPE kung paano nila nabuo ang "Eat Bulaga" kaya pumabor sa TVJ ang desisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica