Ina ng anak ni Diego Loyzaga, lumantad; inakusahan ang aktor na pinalayas umano sila

Ina ng anak ni Diego Loyzaga, lumantad; inakusahan ang aktor na pinalayas umano sila

- Lumantad na sa publiko si Alexis Suapengco, ang ina ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga

- Sa kanyang paglantad sa publiko, isa umanong matinding pasabog ang kalakip nito

- Aniya, pinalayas silang mag-ina ni Diego upang makasama ang bago nitong girlfriend

- Nagawa pa umanong i-tag ni Alexis ang sinasabing bagong nobya ni Diego

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumantad na si Alexis Suapengco, ang umano'y ina ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga.

Ina ng anak ni Diego Loyzaga, lumantad; inakusahan ang aktor na pinalayas umano sila
Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram Stories, nagbigay ng detalye si Alexis sa mga umano'y nagawa ni Diego sa kanilang mag-ina.

"So my baby Daddy @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over"

Hayagan din nitong naibahagi ang screenshot ng IG account ng sinasabi nitong babae umano ni Diego.

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makikita rin sa ibang pahina ng kanyang IG stories ang ilang kuha sa interview ni Toni Gonzaga kay Diego. May caption itong "Love the way you lie tho" at "Yes he's aware now but never sober"

Dagdag pa ni Alexis, sinabihan umano siya ni Diego na hindi magbibigay sustento kung hindi tatanggalin ang mga post.

"@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw [clapping hands emoji] ok boy bye,”

Narito ang ilang screenshots ng naturang post na ibinahagi ng Tea Pa More:

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan umano sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Ogie D, nakukulangan sa dating ng Tahanang Pinakamasaya: "Sariling opinyon ko ito ah"

Matatandaang naging usap-usappan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y pagtatapos ng kanilang relasyon.

At ngayong taon, gumulantang sa publiko ang post ni Diego hawak ang kanyang anak na ipinakilala niya sa mundo. Bagama't 'di pa nito pinapangalanan ang ina nito, masasabing magkatuwang sila nito sa kanilang anak na limang buwang gulang na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel