Rendon Labador kay Lea Salonga: "Napahiya yung fans mo eh"

Rendon Labador kay Lea Salonga: "Napahiya yung fans mo eh"

- Pinalagan ni Rendon Labador ang umano'y pamamahiya ni Lea Salonga sa kanyang tatlong fans

- Aniya, nandun na rin malapit sa kanya ang mga fans ay hindi pa niya pinagbigyan ang mga ito

- Sinabi niya rin na feeling entitled ito dahil sikat na ang mga celebrities at akala daw nila na wala nang sisita sa kanila

- Dagdag pa niya, hindi porke't celebrity at mataas ang narating ay magagawa na ang lahat ng gusto nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Rendon Labador ang aniya'y pamamahiya ni Lea Salonga sa tatlong fans na nagpa-picture sa kanya. Aniya, nandun na rin malapit sa kanya ang mga fans ay hindi pa niya pinagbigyan ang mga ito.

Rendon Labador kay Lea Salonga: "Napahiya yung fans mo eh"
Rendon Labador kay Lea Salonga: "Napahiya yung fans mo eh"
Source: Facebook

Aniya, kung kelan daw tumanda at nalaos, saka nag-attitude si Lea. Tama naman daw ang paliwanag niya pero hindi raw maganda yung aniya ay pamamahiya nito.

Read also

Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa"

Sinabi niya rin na feeling entitled ito dahil sikat na ang mga celebrities at akala daw nila na wala nang sisita sa kanila. Ayaw niya daw na nakakakita ng mga taong inaapi sa online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, ang palpak ay ang security umano ni Lea kaya iyon daw ang dapat pagalitan niya at hindi yung mga fans.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Ayon pa kay Rendon, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Sinabi niya rin na siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin kahit ano pa man ang laman ng naturang envelop. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Read also

Lea Salonga, nagbahagi ng paalala: "I have boundaries, do not cross them’

Binahagi ni Rendon Labador ang post ng BITAG Multimedia Network kaugnay sa paglilinaw nito tungkol sa lumabas na Fake news. Ayon kay Rendon, dahil sa fake news na ito ay nalaman niyang may kapatid daw pala si Sen. Raffy Tulfo. Ang tinutukoy na fake news na ito ay ang napabalitang statement umano ng batikang journalist na si Ben Tulfo laban kay Rendon. Kasunod ito ng mga maanghang na pahayag ni Labador laban kay Michael V.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel