Lea Salonga, nagbahagi ng paalala: "I have boundaries, do not cross them"

Lea Salonga, nagbahagi ng paalala: "I have boundaries, do not cross them"

- Nagpaalala si Lea Salonga sa publiko na mayroon siyang boundary at dapat ay igalang iyon

- Matapos nga mag-viral ang video ng isang netizen na nagpapakita ng pagpapaliwanag ni Lea na hindi sila pwede sa dressing room niya, naglabas siya ng kanyang saloobin

- Sa isang tweet ay binahagi ng sikat na Broadway star ang kanyang reaksiyon hinggil sa isyu

- Kalakip ng kanyang paalalang ito ay ang dati niyang mensahe tungkol sa paalala ng nanay niya sa kanya na huwag tumanggap ng pagkain mula sa strangers dahil kahit maganda pa ang intensiyon ay maaring may mga taong masama ang pakay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Lea Salonga ng paalala sa gitna ng pag-viral ng video kung saan makikita siyang pinapaliwanagan ang fan na bawal silang pumasok sa dressing room niya. Ayon sa Broadway star, mayroon siyang boundary at dapat ay igalang iyon.

Read also

Andrea Brillantes: "When you seek God, you find peace"

Lea Salonga, nagbahagi ng paalala: "I have boundaries, do not cross them’
Lea Salonga, nagbahagi ng paalala: "I have boundaries, do not cross them’ (@missleasalonga)
Source: Facebook
Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you.

Kalakip ng kanyang paalalang ito ay ang dati niyang mensahe tungkol sa paalala ng nanay niya sa kanya na huwag tumanggap ng pagkain mula sa strangers dahil kahit maganda pa ang intensiyon ay maaring may mga taong masama ang pakay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi niya rin ang isang video kung saan sinasabi niya na nagpapasalamat siya sa fans niya pero nag-iingat siya kapag sumusobra na at natatapakan na ang kanyang personal boundaries.

Nagbigay pa siya ng mga halimbawa ng mga sikat na personalidad na ginawan ng masama ng mga taong nagpakilala bilang fans.

Si Lea Salonga ay isang mang-aawit na nakilala sa mga musical theater shows sa ibang bansa. Sa katunayan, siya ang boses sa likod ng mga awtin ng mga Disney characters na sina Princess Jasmine at Mulan.

Read also

Pura Luka Vega, muling gumawa ng ingay sa socmed dahil umano sa 'ostiya'

Matatandaang nagbahagi ng kanyang tribute si Lea Salonga para sa yumaong aktres na si Cherie Gil. Napanood daw niya si Cherie sa dalawa nitong show kung saan bumilib siya sa husay nito. Aniya, one-of-a kind si Cherie at hindi niya ito makakalimutan. Marami naman ang naantig sa post na ito ni Lea kabilang na ang kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa.

Samantala, sa isang post ay binahagi ni Lea ang kanyang saloobin kaugnay sa dumaraming netizens na hindi maganda ang ugali. Aniya, malalaman at mapapatunayan ito kapag nagbabasa sa mga comments section ng mga social media posts. Aniya, nagpapakita sa mga komento ang mga ugali ng mga taong nagkokomento kabilang na ang mga taong walang respeto at entitled. Gayunpaman, nagpapasalamat siya na may mga tao namang hindi bastos at marespeto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel