Tito Sotto sa mga ad agency matapos mamaalam sa TAPE: "marami raw nag-pullout"

Tito Sotto sa mga ad agency matapos mamaalam sa TAPE: "marami raw nag-pullout"

- Nagbigay detalye si Tito Sotto patungkol sa naganap na pamamaalam nila sa TAPE Inc.

- Naikwento niya ang pagiging emosyonal nilang mga host sa nangyari lalo na at hindi na umano na sila pinayagang mag-live noong Mayo 31

- Isa rin sa nabanggit ng dating senador ay ang tungkol umano sa posibleng pagkalugi ng Eat Bulaga sa pagkawala nila

- Ito ay dahil sa mga umano'y nakausap niyang ad agency na nag-pullout sa programa nang malamang wala na ang TVJ sa TAPE Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ng dating senador na si Tito Sotto ang tungkol sa mga kaganapan sa kanilang tuluyang pamamaalam sa TAPE Inc. noong May 31.

Tito Sotto, sinabing maraming ad agency ang nag-pullout sa EB matapos nilang mamaalam sa TAPE
Eat Bulaga 'Dabarkads' (@eatbulaga1979)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na maging silang mga Eat Bulaga hosts ay nagulat gayung hindi na sila pinahintulutan pang mag-live para sa nasabing araw.

Read also

Cristy sa pahayag ng TAPE sa pamamaalam ng TVJ: "Tono ito ng mga tao na pikon"

Dahil dito, isa sa nabanggit ni Joey ay ang tungkol sa mga nag-pullout at nagkanselang advertisers sa programa.

"Kaya yung dialogue na nalulugi, ngayon, pwede na nilang sabihin. Pagkakaalam ko 'nung gabi itinawag 'nung isang kaibigan ko sa Ad agency marami raw nag-pullout, nag-cancel nung mga parating na ads nila. Dami raw nag-pullout."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis namang naanting ang kanilang damdamin dahil sa mga komento ng netizens na nagpapakita ng suporta at patuloy na pagtangkilik sa kanila dahil sa nangyari.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa panayam sa kanya ng programang Julius and Tintin ng News5:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Read also

Tito Sotto, sa reaksyon umano ni Joey De Leon: "Mga apat na beses na umiiyak"

Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: