Tito Sotto, sinabing 'di umano sumahod si Vic sa Eat Bulaga ngunit tuloy ang bayad ng buwis

Tito Sotto, sinabing 'di umano sumahod si Vic sa Eat Bulaga ngunit tuloy ang bayad ng buwis

- Nabanggit ni Senator Tito Sotto na hindi umano sumahod si Vic Sotto sa Eat Bulaga

- Subalit ang nakapagtataka umano, kinakatasan siya para ibayad umano ng VAT

- Ang tanong nila ngayon ay kung saan napunta ang dapat na sweldo ni Vic

- Sa kabila ng mga pangyayaring ito ay patuloy na napapanood si 'Bossing Vic' sa Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naisiwalat 'di umano ni Senator Tito Sotto ay ang 'di raw pagsahod ng kapatid niyang si Vic Sotto.

Tito Sotto, sinabing 'di umano sumahod si Vic sa Eat Bulaga ngunit kinakaltasan ng buwis
Vic Sotto (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay nasabi niya sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa YouTube channel nitong Showbiz Now Na!

Ani Senator Tito, nakapagtatakang hindi nakasahod si Vic subalit nakaltasan ang inaasahang sahod at naibayad pa sa buwis.

Read also

Ogie Diaz, wala umanong natanggap na pakikiramay mula sa LizQuen

"Ipinagbabayad ng VAT. Tinatanggalan ng VAT pero hindi nakakarating sa kanya 'yung bayad. yung sweldo. 'Yung VAT, binabayaran sa BIR. So san napupunta 'yung dapat ibigay kay Vic?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pangyayaring ito umano masasabing ganoon na lamang ang pagmamahal ni Vic sa programang kanila umanong binuo, halos 44 taon na ang nakalipas.

"E kung masasabi mo nga na napakabait 'nung dalawa, totoo naman... totoo. Kaya nga ang tanong is, bakit nila natitiis yung ganun ang utang ano? Pagmamahal nila sa programa."
"Doon mo makikita na sila ang nagmamahal at talaga namang ika nga'y may hawak at may-ari ng programa"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Cristy Fermin mula sa YouTube channel na Showbiz Now na!

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Read also

Tito Sotto, sinabing sumama umano ang loob nina Vic at Joey: "galit na galit"

Inulan ng espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.

Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.

Matapos ito, kabi-kabilang interviews din ang pinaunlakan ni Senator Tito Sotto upang ibahagi naman ang panig nila bilang host ng nasabing programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica