Julia Montes, agad na napuri si Alden Richards: "Totoong mabait siya"

Julia Montes, agad na napuri si Alden Richards: "Totoong mabait siya"

- Agad na napuri ni Julia Montes ang bago niyang leading man sa pelikula na si Alden Richards

- Isinapubliko na nila ang ginagawa nilang proyekto na isa sa mga produkto ng umano'y pagsasanib ng GMA at ABS-CBN

- Ani Julia, napatunayan niya umanong mabait talaga si Alden base sa ilang araw nilang shooting

- Nabanggit naman ni Alden ang tungkol sa kung gaano kagaan katrabaho si Julia at marami sila umanong pinagkapareho pagdating sa pagiging mga artista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigyang puri agad ni Julia Montes ang bago niyang makakapareha sa pelikula na si Alden Richards.

Julia Montes, agad na napuri si Alden Richards: "Totoong mabait siya"
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa press con ng kanilang pelikulang 'Five breakups and a romance' makikitang komportable na ang dalawa sa isa't isa.

"It's about time na nangyari na po 'yung dalawang magagaling, respetado at longest-running companies na nag-conive na nag-combine na ng talents," ani Julia.

Read also

Jo Berry, inalala ang pagpanaw ng ama, lolo at kapatid dahil sa COVID-19

"Na-empower din po kaming mga aktor na for the longest time, nandun lang po kami sa bakuran ng kanya-kanya naming network, so na-empower po kami na galingan pa lalo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kahit dalawang araw pa lamang na nag-shooting sina Julia at Alden, makikitang komporteble na sila sa isa't ia.

"Parehong-pareho po kaming magtrabaho... sobrang hindi po high maintenance si Julia," saad ni Alden.

"Kaya pala talaga siya si Alden Richards. Bagay sa'yo yung dimples sa kabaitan mo," natatawang nasabi ni Julia na sinundan naman niya ng pagpuri sa aktor. "'Yung looks niya, obvious na kasi na mabait e. Pero napatunayan niyang totoong mabait siya."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila na mula sa 24 Oras:

"Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth-oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Read also

Boy Abunda, nabanggit ang umano'y pelikulang pagtatambalan nina Julia at Alden

Kamakailan ay nagbahagi si Julia Montes ng video niya. Umani ng mga puri at positibong komento ang post na ito ni Julia sa kanyang Instagram feed. Marami ang nakapansin sa kanyang kagandahan sa naturang video kung saan sinabi niyang naghahanda siya para sa isang pelikula. Agad na nag-viral ang post na ito ni Julia.

Kabilang sina Julia at Coco Martin sa mga personalidad na dumalo sa ginanap na birthday party para sa ABS-CBN Executive na si Deo Endrinal. Marami din na mga TV personalities ang naroroon sa naturang party. Kabilang sa mga naroroon din ay ang mga Kapamilya stars na sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, at Cherry Pie Picache.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel