Mama Loi, idinetalye ang umano'y eksena ni Direk Paul Soriano sa presscon kay Vanessa Hudgens
- Idinetalye ni Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update ang kontrobersiyal na presscon ng International Star na si Vannesa Hudgens kamakailan
- Sinasabing pinapahinto umano ni Direk Paul ang naturang interview dahil sa mga katanungan ni Boy Abunda na 'di na naharang ng kanilang PR
- Kitang-kita raw umano na hindi mapakali ang direktor lalo na at hindi na pwedeng basta putulin ang interview
- Nasa bansa ang Fil-Am actress para sa isang travel documentary kung saan si Paul Soriano ang kanyang magiging direktor
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Idinetalye ni Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update ang umano'y mga naging kaganapan sa kontrobersyal na interview ni Boy Abunda kay sa Filipino American actress na si Vanessa Hudgens.
Nalaman ng KAMI na ito ay dahil umano sa naging eksena ng direktor na si Paul Soriano na nais nang putulin ang naturang interview.
"Marami tayong mga kapatid sa press na nagbigay ng kani-kanilang mga nasaksihan. May mga nagsasabi raw na during the presscon, makikita si Paul Soriano na nasa gilid at parang hindi raw mapakali," ani Mama Loi.
"At sa isang punto nga ng interview, nasaksihan daw na parang inis na sinita raw ni Direk Paul itong si Miss Joyce 'yung head ng PR. Dahil hindi nito hinarang 'yung mga off script na questions ni Tito Boy. Nangatwiran daw si Miss Joyce na ayon pa rin sa eye witness, hindi raw pwedeng basta putulin ang pagtatanong kay Vannesa habang on-going ang Q& A," pagpapatuloy pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sumunod na inilipat si Vanessa sa ibang venue para naman sa one on one interview sa bawat press people. Umabot pa ang kinatawan ng ABS- CBN subalit nang si Kristine Jacob na ng CNN, pinatigil umano ito ni Direk Paul dahilan para magkaroon ng komosyon ayon sa mga nakasaksi.
"May mga eye witnesses daw na nagsabi na binigkas daw ni Direk Paul 'yung mga katagang, "Get the press out of here. I don't need them. They're so useless. The press can .... off," pagbabahagi ni Mama Loi ng naikwento ng ilang mga naroon at nakasaksi sa umano'y inasal ni Direk Paul.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Vanessa Hudgens ay isang Hollywood actress na ngayo'y napili para maging ambassadress for tourism ng Pilipinas. Ito ay dahil mayroon itong lahing Pinoy gayung ang kanyang ina ay isang Filipina. Una siyang nakilala sa High School Musical bilang si Gabriela Montez.
Samantala, si Paul Soriano ay isang direktor at mister ng sinasabing "Ultimate Multimedia Superstar" na si Toni Gonzaga. Isa sa pinakahuling pelikulang nagawa nito ay ang My Teacher na pinagbidahan ng kanyang misis. Siya rin ang tinaguriang Presidential Adviser for Creative Communications.
Sa pagdating pa lamang ni Vanessa sa bansa, hindi inaakala ng marami na magiging kontrobersiyal agad ang mga interview nito dahil umano sa direktor ng gagawin niyang documentary. Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ni Paul Soriano tungkol sa isyu na ito na nais sana ng marami na marinig ang kanyang panig.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh