Jolina, sa throwback photo kasama sina Boy at Kris: "'Nung uso ang one line na kilay"

Jolina, sa throwback photo kasama sina Boy at Kris: "'Nung uso ang one line na kilay"

- Ibinahagi ni Jolina Magdangal ang throwback photo niya kasama sina Boy Abunda at Kris Aquino

- Aniya, hindi siya sigurado kung ito ay kuha noong 90's pa o early 2000 na

- Ang tanging alam niya at kapansin-pansin sa naturang larawan ay uso pa raw umano ang one line na kilay sa panahong iyon

- Si Jolina Magdangal na ngayo'y kilala bilang si Momshie Jolens ay mapapanood pa rin sa 'Magandang Buhay'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ang throwback photo ni Jolina Magdangal kasama ang "King of Talk na si Boy Abunda" at "Queen of all media" na si Kris Aquino.

Jolina, sa throwback photo kasama sina Boy at Kris: "'Nung uso ang one line na kilay"
Jolina Magdangal (@mariajolina_ig)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha umano ito ng kanyang Daddy Jun Magdangal na pinasalamatan din ni "Jolens" sa naturang post.

"Hi Tito Boy! Hi Ate Kris! Isa sa nakita kong picture sa sandamakmak na pictures na naitago namin mula noon (thank you so much sa aking Daddy Jun na hindi nagsawa sa pag picture sakin)."

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"

Ayon pa kay Jolina, hindi niya tiyak kung 90's pa kuha ang larawan o early 2000.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Anong taon kaya ito? 90s? Early 2000? Basta nung uso ang one line na kilay," makulit na caption din ng post na ito.

Matatandaang bago pa man maging isang kilala TV host si Jolina, isa siya sa mga iniidolong young actress ng kanyang henerasyon.

Katunayan, patok na patok noon ang love team nila ni Marvin Agustin dahilan para tumabo sa takilya ang kanilang mga pelikula tulad ng "Labs Kita... Okey Ka Lang?" at "Hey Babe."

Si Jolina Magdangal ay isang singer, actress at entrepreneur sa Pilipinas. Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa showbiz bilang isa sa mga host ng 'Magandang Buhay' kasama si Melai Cantiveros at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Napangasawa ni Jolina ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta.

Read also

Cristy kay Karla bilang bagong host ng Face to Face: "Konting higpit siguro ng production"

Marami ang patuloy pa rin na humahanga kay 'Momshie Jolens' dahil na rin sa mga nakakaaliw niyang post lalo na ang mga videos na kasama ang mga anak na sina Pele at Vika.

Kamakailan, nadadalas din ang pagbabahagi ng mga throwback pictures at videos ni Jolina na labis namang ikinatuwa ng kanyang mga fans at followers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel