David Licauco, sa pagtanggap ng role bilang Fidel sa MCI: "Honestly kasi wala na akong pera"

David Licauco, sa pagtanggap ng role bilang Fidel sa MCI: "Honestly kasi wala na akong pera"

- Naikwento ni David Licauco kung bakit niya tinanggap ang role bilang Fidel sa 'Maria Clara at Ibarra'

- Aniya, muntik na niyang sukuan ang pag-aartista subalit dumating naman ang offer ng MCI

- Nakatutok na sana si David sa kanyang mga negosyo nang alukin siya sa nasabing proyekto ng Kapuso network

- Aniya, dahil na-invest niya halos lahat ng kanyang pera sa mga negosyo tinanggap niya ang role na siyang dahilan bakit biglang sikat din siya sa showbiz ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz sa panayam niya kay David Licauco ay kung bakit niya tinanggap ang role bilang si Fidel sa Maria Clara at Ibarra.

David Licauco, sa pagtanggap ng role bilang Fidel sa MCI: "Honestly kasi wala na akong pera"
David Licauco at Barbie Forteza (@davidlicauco)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI pasuko na sana noon si David sa kanyang showbiz career lalo pa at naging abala na siya sa kanyang mga negosyo na nagsimula lamang noong kasagsagan ng pandemya.

Read also

Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"

Nang bigla umanong ma-offer sa kanya ang nasabing role sa proyekto ng GMA na talagang sinubaybayan ng publiko.

"In-accept ko 'tong Maria Clara honestly kasi wala na akong pera.Kasi lahat in-invest ko dito (sa business)," paliwanag ni David na very hands on sa kanyang mga negosyo na ngayo'y tinatangkilik na rin ng marami.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag na blessing narin ang kasikatang tinatamasa dahil sa naging instant love team nila ni Barbie Forteza na gumaganap naman bilang si "Klay" na nasabing serye.

Sinasabing marami ang natuwa sa kanilang tambalan sa kabila ng pagkakaroon ng real-life boyfriend ni Barbie na si Jak.

Gayunpaman, malaki umano ang pasasalamat ni David sa pag-usbong ng career niya dahil sa MCI.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Read also

David Licauco sa paghinto niya umano sa basketball: "My best friend died"

Si David Licauco ay isang model, aktor at businessman sa Pilipinas. Mas lalong nakilala ang pangalan ni David sa mukha ng showbiz nang gampanan niya ang karakter ni Fidel sa GMA serye na Maria Clara at Ibarra.

Dumami ang kanyang mga tagahanga at isa na rito ang kapatid ni Zeinab Harake na si Rana. Kaya naman sa kaarawan nito, naisipan ni Zeinab na i-surpresa si Rana ng isang date kasama ang idolo nitong si David.

Dahil dito, aminado si Rana na isa umano ito sa mga memorable na birthday niya na hindi niya inaasahang si David Licauco ang ang supresa sa kanya ng kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel