Vloggers sa Batang Quiapo, maraming natututunan kay Coco Martin

Vloggers sa Batang Quiapo, maraming natututunan kay Coco Martin

- Marami umanong natutunan ang mga vloggers na bahagi ng FPJ Batang Quiapo ni Coco Martin

- Sa kabila ng kanilang pagiging content creator kung saan sarili nila ang galaw, napapayag silang maging bahagi ng teleserye

- Ayon sa kanila, malaking bagay din ito sa kanila sa pagkakaroon pa ng mas malawak na oportunidad na makilala ng mga hindi pa umano nakakapanood ng kanilang vlog

- Todo puri rin nila si Coco sa kung paano sila gabayan nito sa bagong mundo nila na hindi rin naman nalalayo sa kanilang pagiging vlogger

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malaki ang pasasalamat umano ng mga vloggers sa FPJ Batang Quiapo na marami umanong natututunan sa kanilang direktor na si Coco Martin.

Vloggers sa Batang Quiapo, maraming natututunan kay Coco Martin
Coco Martin, Bernadette Sembarano at ilang vloggers sa FPJ Batang Quiapo ( Bernadette Sembrano YouTube)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI karamihan sa cast ng nasabing teleserye ay pawang mga kilalang vlogger sa bansa.

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Napaunalakan ng nasabing programa si Bernadette Sembrano na ma-interview ang ilan sa mga content creator sa serye tulad nina Mark "Big Mak" Andaya, Renz Joshua "Baby Giant" Baña, Sugar Ray "Mammoth" Estroso at Elyson "Ghost Wrecker" Caranza.

Bagama't tila sila na ang boss sa kani-kanilang mga channel, napapayag pa rin sila ni Coco na magi bahagi ng patok na teleserye ngayon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Malaki ang pasasalamat nila kay Coco na todo-todo ang paggabay at pagsuporta sa kanila at sa bagong oportunidad na mas makilala pa sila ng mga tao.

Gayundin ang kani-kanilang supporters noon pa man na natutuwang mapanood sila sa sikat na teleserye.

Samantala, naikwento ni Coco na mahilig umano siyang manood ng YouTube kung saan niya napanood ang mga vlogger na naging bahagi ng kanyang serye.

"Mahilig kasi akong manood ng YouTube. 'Pag nakikita ko sila, nakikita kko yung sarili ko kung paano ako nagsimula 'nung araw," ayon sa bida ng teleserye na isa rin sa mga direktor at producer nito.

Read also

Moira Dela Torre, kinagiliwan sa makulit na reply kay Senyora

Narito ang kabuuan ng kanilang mga pahayag mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Katunayan sa ginanap na Tranlacion noong Enero ng kasalukuyang taon, nagawa nang mag-shooting nina Coco na isa rin talaga sa mga deboto ng Poong Nazareno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel