Parokya ni Edgar, nabisita ang kabandang si Gab: "Sobrang aliwalas niya tingnan"
- Nabisita ng ng bandang Parokya ni Edgar ang isa sa kanilang miyembro na si Gab Chee Kee
- Kasalukuyan pa rin itong nasa ospital at patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman
- Nilarawan nilang maaliwalas umanong tingnan si Gab sa kabila ng chemotherapy sessions nito
- Kabi-kabilang fund rasing events ang isinasagawa ng banda gayundin ng mga taong patuloy na sumusuporta sa laban ni Gab
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbigay ng update ang bandang Parokya ni Edgar sa miyembro nilang si Gabriel Chee Kee na kasalukuyan pa ring nasa pagamutan.
Nalaman ng KAMI na sa mismong page ng banda makikitang nabisita mismo nina Chito Miranda, Darius Semaña at Dindin Moreno si Gab.
"Binisita namin si Gab kanina bago kami tumuloy sa gig namin sa Qc. Sobrang aliwalas nya tingnan!"
Patuloy daw itong nagpapalakas matapos na makaalis sa ICU dahil sa pneumonia na umano'y komplikasyon lamang ng totoong kamdaman nito na lymphoma.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Mahaba-haba pa 'tong laban na 'to, pero pramis, kahit gaano pa kahaba yung laban ni Gab, di talaga namin sya papabayaan"
Patuloy ang pasasalamat ng grupo sa kabi-kabilang tulong na kanilang natatanggap para kay Gab.
Katunayan, mula nang isiwalat nila ang lagay ng kabanda, sunod-sunod ang mga fund raising events nila gayundin ng iba pang mga local bands and artist para makalikom ng halaga sa patuloy na pagpapagamot ni Gab.
Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang lagay ng kanyang best friend at kabanda na si Gabriel Chee Kee.
Sa post ni Chito, sinabi nitong mayroong lymphoma si Gab na bagama't handa ito sa pagpapa-chemotherapy, tinamaan naman ito ng pneumonia dahilan para siya'y malagak sa ICU ng mahigit halos dalawang buwan.
Kabi-kabila na ang mga benefit shows para kay Gab upang makatulong sa medical expenses nito. Labis-labis naman ang pasasalamat niya at kanyang mga kabanda at pamilya sa umaapaw na tulong at suporta dahilan para unti-unting bumuti ang lagay nito.
Tulad na lamang ng bidding sa gitarang pirmado ng bandang Eraserheads. Umabot ang halaga nito sa Php1.3 million at napunta sa pagpapa-ospital ni Gab.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh