Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

- Ibinahagi ng Ogie Diaz Showbiz Update ang huling araw ng burol ng ina ni Erik Santos

- Hindi man nagpaunlak ng panayam si Erik, madadama ang labis na pighati nito sa pagpanaw ng ina

- Naidetalye rin ni Erik ang mga kaganapan sa mga huling oras ng kanyang ina na pinuno nila ng dasal at papuri sa Diyos

- Nobyembre 25, malungkot na isinapubliko ni Erik Santos ang pagpanaw ng kanyang ina na nakipaglaban sa lung cancer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilan ni Erik Santos ang mapahagulhol nang magbigay pugay siya sa namayapang ina na si Angelita Ramos Santos.

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina
Erik Santos (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Ogie Diaz ang mga kaganapan sa huling araw ng lamay sa ina ni Erik na pumanaw dahil sa lung cancer noong Nobyembre 25.

Naidetalye pa ni Erik ang mga kaganapan sa mistulang pamamaalam na niya sa ina.

Read also

Cristy Fermin sa AlDub fans; "Love team lang po... Hanggang doon na lamang po talaga 'yun"

"In the last hours of her life, nakita ko parang naiiyak siya. Sabi ko sa kanya, 'Nanay don't cry, you will be alright, God is with you. Hindi ka niya iiwan. At andito lang kami, hinding-hindi ka namin iiwan," pagbabahagi ni Erik.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinarinig din ni Erik ang mga paboritong kanta ng kanyang ina at paulit-ulit din niyang ipinakinig sa kanyang Nanay Angelita ang 'Amazing Grace.'

Pinuno nila umano ang huling oras at sandali nito ng dasal hanggang sa tuluyan na itong malagutan ng hininga.

Samantala, maraming mga kapwa niya artista ang nakiramay sa kanilang pamilya tulad nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera at Kyla. Naroon din sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na malapit na kaibigan ni Erik.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan na ibinahagi sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Herlene Budol at Team Kafreshness, namigay ng maagang pamasko sa mga bata sa Uganda

Si Erik Santos ay maituturing na isa sa mga batikang singer sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang Grand Champion ng Star in a Million Season 1 noong 2003. Mula noon, hindi na matatawaran ang kanyang mga shows, sa telebisyon man o sa abroad.

Samantala, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel