Ogie Diaz, halos i-delete noon ang Twitter niya dahil sa mga fans ni Jake Zyrus

Ogie Diaz, halos i-delete noon ang Twitter niya dahil sa mga fans ni Jake Zyrus

- Binalikan ni Ogie Diaz ang pangyayari kung saan halos burahin na niya ang kanyang Twitter

- Aniya, matinding pamba-bash ang kanyagn tinanggap mula sa fans ni Jale Zyrius na noo'y sumikat bilang si Charice Pempengco

- Ito ay dahil sa isang komento na umano'y napansin niya noon kay Charice na hindi nito nagustuhan at ng kanyang ina

- Gayunpaman, ang dating opinyon niyang ito ay tila nagkatotoo na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz ang umano'y dahilan kung bakit muntik na niyang i-delete ang kanyang Twitter dahil umano sa mga fans ni Jake Zyrus na noo'y

Ogie Diaz, halos i-delete noon ang Twitter niya dahil sa mga fans ni Jake Zyrus
Photo: Jake Zyrus
Source: Facebook

Nalaman nang KAMI na minsan na siyang na-bash ng mga fans ni Jake dahil sa naisulat niyang komento sa singer.

"Mayroon kasi akong naisulat noon na hindi sang-ayon si Charice saka 'yung mama niya."

Read also

RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truthteller"

"Ang opinyon ko lang e sabi ko, parang may pagka-ano na si Charice. Ngayon, itong mga fans ni Charice e pinagbaba-bash ako na muntik ko nang i-delete 'yung Twitter ko. Dahil doon ay pinapatay nila ako. Gusto nila akong ma-shigok na."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang ending pala... true! true yung aking opinyon," ani Ogie D.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayg mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel