Isko Moreno, naatasang basahin ang joint statement ng ilan pang presidentiables
- Naatasan si Mayor Isko Moreno na basahin ang mga napagkasunduan nila ng apat pang mga presidentiables
- Kasama niya sa naturang pahayag si Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, Secretary Norberto Gonzales
- Naroon din ang mga vice presidentiables na si Sen. Tito Sotto at Dr. Willie Ong bilang suporta sa kani-kanilang running mates
- Ito umano ay dahil sa mag-udyok ng hindi pinangalanang kampo para sila ay umatras sa kanilang kandidatura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naatasan si Mayor Isko Moreno na basahin ang joint statement nila ng kapwa niya presidentiables na sina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, Secretary Norberto Gonzales.
Nalaman ng KAMI na nagkasundo ang apat na presidential candidates na ito na ipagpatuloy pa rin ang kanilang kandidatura sa kabila ng 'di umano'y pag-udyok sa kanila ng hindi diretsahang pinangalanang kampo na umatras sa tinatakbuhang posisyon.
"Kami ay magsasanib pwersa upang labanan ang naumang pagtatangka na baluktutin ang pagpapasya ng taumbayan at paggalaw na hindi kanais-nais o di kaya paglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan."
"Higit sa lahat, hinding-hindi kami bibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng sambayanang Pilipino"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng ginanap na joint presscon mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.
Oktubre 4, 2021 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.
Ilang araw matapos na mag-file noon ng candidacy ay umugong na agad ang 'Withdraw Isko' at hiniling ng ilan na tumakbo na lamang ito bilang bise presidente.
Agad naman itong sinangga ng presidential candidate at sinabing karapatan pa rin niya ang tumakbo sa posisyong nais niyang magampanan.
Source: KAMI.com.gh