Nadia Montenegro, pinakita ang mga mensahe ng kagaya ng kanyang ina na nanakawan

Nadia Montenegro, pinakita ang mga mensahe ng kagaya ng kanyang ina na nanakawan

- Hindi tinigilan ni Nadia Montenegro na maaksyonan ang nangyari sa kanyang ina habang namimili ito sa isang Membership-only retail warehouse club chain

- Matapos niyang ibahagi sa social media ang karanasan ng kanyang ina, marami din umano ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya

- Ang mga mensahe ay tungkol sa kanilang mga karanasan kagaya sa nangyari sa ina ng aktres na pagkumpulan ng isang grupo ng mga tao

- Ani Nadia, kailangan maaksiyonan na ang mga nangyayari dahil nakakabahala na marami na pala ang nabibiktima ng ganoong modus

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami pa palang ibang mga customer ang nakaranas ng kagaya ng naranasan ng ina ni Nadia Montenegro kung saan nakuha ang kanyang wallet at natangay ang kanyang pera. Ibinahagi ng aktres ang mga mensaheng kanyang natanggap mula sa mga customer sa iba pang mga branch ng establisyemento kung saan namimili ang kanyang ina.

Read also

Nadia Montenegro, nabahala matapos malimas ang pera ng kanyang ina

Nadia Montenegro, pinakita ang mga mensahe ng kagaya ng kanyang ina na nanakawan
Nadia Montenegro (Nadia Montenegro Pla)
Source: Facebook

Ayon sa aktres, nakakabahala na marami na ang nabiktima ngunit patuloy pa ring nangyayari ang ganoong modus sa establisyementong inasahan niyang ligtas lalo at kailangan magbayad para maging miyembro.

Aniya kahit hindi na lang maibalik ang perang natangay sa nanay niya ngunit ang hangad niya ay maaksiyonan na at matigil ang modus ng aniya'y sindikato.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

And dami dami dami NA palang kaso NG nakawan! Ang dami NG nagreklamo binalewala nyo mga members nyo. Mas protektado pa mga kriminal kasi pahirapan makakuha NG info NA dapat kayo pa unang concern. Matagal NA pala tong ngyayari.

Ayon kay Nadia, siya lang daw pala ang nakapagpapasok ng pulis sa naturang establisyemento dahil aniya ay news black out ang pamunuan pagdating sa mga miyembrong nagrereklamo matapos mabiktima.

Ako lang pala nakapagpasok ng pulis sa establishment nyo kasi news black-out kayo sa mga kaso ng members nyo. Naglalabasan na isa isa mga victims.

Read also

Mariel Padilla, ibinahaging namana ng mga anak niya ang pagkaseloso ni Robin Padilla

Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.

Sa naunang ulat ng KAMI, inamin ni Nadia na na-depress siya noon dahil sa kanyang kondisyon sa kanyang mata.

Matatandaang isa si Nadia sa mga kaibigan ng dating action star na si John Regala na tumulong sa kanya nang lumala ang karamdaman nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel