MUP 2017 Rachel Peters, isinilang na ang panganay nila ni Governor Migz Villafuerte

MUP 2017 Rachel Peters, isinilang na ang panganay nila ni Governor Migz Villafuerte

- Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters ang picture ng kanyang kakasilang lamang na anak

- Sa kanyang Instagram story ay pinakita niya sa unang pagkakataon ang panganay na anak nila ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte

- Maging si Governor Migz Villafuerte ay hindi mapigilang ibahagi ang picture ng kanilang baby sa kanyang Instagram account

- Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawang kinasal nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang picture ng kanilang panganay na anak matapos manganak ng beauty queen. Sa kanyang Instagram story, naibahagi ni Rachel na nakauwi na sila sa kanilang bahay.

MUP 2017 Rachel Peters, isinilang na ang panganay nila ni Governor Migz Villafuerte
MUP 2017 Rachel Peters (@rachelpetersx)
Source: Instagram

Para naman kay Governor Migz Villafuerte, ipinahayag niya kung gaano niya kamahal ang kanilang munting anghel. Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawang kinasal nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Read also

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

Ilan sa mga personalidad na bumati sa mag-asawa ay sina Dani Barretto, Nadine Samonte, Philmar Alipayo, Tim Yap, Phoemela Baranda, Rambo Nunez, Mark Escueta, at Bea Rose Santiago.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rachel Louise Peters-Villafuerte ay isang Filipino-British model, host, at beauty pageant titleholder na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2017. Siya ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2017 pageant at napasama sa Top 10 semifinalists.

Matatandaang isinapubliko nina Rachel at Gov. Villafuerte ang tungkol sa pagdadalang-tao ng beauty queen noong Mayo ng kasalukuyang taon.

Matatandaang nabanggit ni Rachel na sumailalim siya sa mga pagsusuri para sa paghahanda para sa kanyang pagbubuntis. Kaya naman nang nabuntis na siya ay tinuring umano nilang mag-asawa na "best news ever" ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Kasunod nito ay kinasal sila noong Hulyo ng parehas ding taon. Matatandaang naganap ang kanilang engagement noong taong 2019 at nakatakda sanang ikasal sa Indonesia noong nakaraang taon.

Read also

Anak ni Gretchen na si Dominique Cojuanco, engaged na sa kanyang boyfriend

Gayunpaman, kagaya sa karamihan sa mga naunsyaming kasalan ng mga celebrities dahil sa pandemya, napilitan silang iurong na lamang ang kanilang pagpapakasal.

Nais ipaalala ng KAMI na anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malaya tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita dahil maari itong panagutan sa batas. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel