Dimples Romana, sinubukang magpaturo sa asawa kung paano magbisekleta
- Aminado si Dimples Romana na hindi madali sa kanya ang ilang bagay kagaya ng mga physical activities
- Kaya naman, sa edad niyang 36 ay hindi pa siya marunong gumamit ng bisekleta
- Sa vlog ng kanyang asawang si Papa Boyet, sinubukan ng aktres na matutong mag-bike kasama ang kanyang kapatid na lalaki
- Matapos ang isang session ay natuto naman silang magkapatid at pabirong sinabi ng asawa ni Dimples na inakala niyang aabot pa sa mahigit isang session bago sila matuto
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ayon kay Dimples Romana, mas mahirap para sa kanya ang physical activities kaya naman sa edad niyang 36 ay hindi pa rin siya marunong magbisekleta. Maging ang kanyang kapatid na lalaki ay hindi din marunong.
Sa panibagong vlog ng kanyang mister na si Papa Boyet, ibinahagi niya ang video kung saan tinuruan ang magkapatid ng kani-kanilang asawa.
Dagdag pa ni Dimples, buti na lang at parehas sila ng kanyang kapatid na nakapag-asawa ng mabait at mahaba ang pasensiya.
Pero good thing we married patient, kind and amazing teachers who admittedly didn’t know they married into a training ground for life Watch how @papaboyetonline and @krisellevillanueva STRUGGLE to keep Bam and I in line Anong naituro na sa inyo ng mga asawa ninyo bukod sa pasensya?
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami ang naaliw sa video na ito ng mag-asawa:
Bully kaaaa Ma dimps Magaling na po talaga Student ngayon!! At ang lambing lambing na kapatid ni Ms. Dimps! Bastaaaa ang cute! Galing ni papa B eh!
Dami kong tawa sa vlog na to eh!
Haha! Amazing! Natuto ng walang semplang?! Iba! Iba tlga
Si Dimples Romana ay isang Pinay na aktres at isang commercial model. Nagsimula ang kanyang showbiz career nang mapabilang siya sa comedy sitcom na "Ang TV". Nakilala siya sa mahusay na pagganap niya sa ilang teleserye kagaya ng "Bagani" at "Kadenang Ginto".
Marami ang humanga sa aktres nang bigyan nito ng bagong bahay ang kanyang kasambahay. Ibinahagi niya rin kamakailan ang kanyang bagong investment.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh