Direk Lauren Dyogi sa ABS-CBN shutdown: "I was having anxiety attacks"

Direk Lauren Dyogi sa ABS-CBN shutdown: "I was having anxiety attacks"

- Inamin ni Direk Lauren Dyogi na hindi rin naging madali para sa kanya ang mga kaganapan buhat nang magsara ang ABS-CBN noong nakaraang taon

- Matatandaang sa pagbubukas ng 2021, siya na rin ang naatasan bilang head ng Star Magic

- Dahil sa dami umano ng mga kaganapan, inalala niyang nagkaroon talaga siya ng anxiety attacks

- Subalit sa kabila ng mga pangyayari, marami raw itong naituro kay Direk Lauren at marami rin umano siyang mga napagtunayan mula sa matinding pagsubok ng Kapamilya Network

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang na ibinahagi ni Direk Lauren Dyogi ang kanyang mga dinanas buhat nang maganap ang ABS-CBN Shutdown noong nakaraang taon.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga inilahad ni Direk Lauren na maging siya ay nagkaroon ng anxiety attacks sa dami ng pagsubok na kinakaharap pa rin ng Kapamilya Network.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Direk Lauren Dyogi sa ABS-CBN shutdown: "I was having anxiety attacks"
Direk Lauren Dyogi (@direklauren)
Source: Instagram

Kasama na rito ang mga pagbabawas, pag-alis at pagpapalit ng mga tao sa kanilang mga programa na siyang naging daan upang maatasan bilang bagong head ng Star Magic si Direk Lauren.

“It happened because the company was shut down and the company was forced to scale down. We were asked to double task. I seem to be a good candidate in terms of efficiency because I can say anong kailangan sa production, tapos I have the roster of artists,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"We would know how to match it and be more efficient. I think it’s logical that I take it on. It’s a challenge... It’s exciting,"

Kaya naman naisip niyang magkaroon muna ng 'break' sa kanyang trabaho hindi para magbakasyon kundi para magpahinga pansamantala sa kanyang career.

"Nag-break ako, hindi ako nagbakasyon, nandoon lang ako sa bahay. I was having anxiety attacks. Hindi ako nakakatulog nang maayos, nagsisikip yung dibdib ko. Feeling ko nga, COVID ba ito? kasi hindi ka makahinga, tapos my shoulder pain was so bad. Talagang nagpatong-patong 'yung preparation from the Congress hearing, shutdown,"

Read also

Arjo Atayde, ibinahaging napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang tungkol sa kasal

"Parang manhid ka na noon. Hindi pa nagsi-sink in, eh. The sinking of the feeling came days after, weeks after. Ano na ang mangyayari sa 'tin?"

Subalit sa kabila ng mga pangyayaring ito, mas marami pa ring positibong bagay na nakita ang direktor.

"Kung hindi rin po dahil sa shutdown, hindi kami makakadiskubre ng ibang paraan ng paggawa. Kasi naka-concentrate kami sa free TV for the longest time. Ngayon forced ka maghanap ng pera... forced kang gumawa ng paraan,"

HIndi rin naiwasan ni Direk Lauren na maglabas ng saloobin kaugnay sa mga Kapamilya na piniling lumisan habang ang iba ay nanatili sa kabila ng matinding dagok ng istasyon.

"I suppose when the boat is sinking, you can’t expect everybody to stay in the boat, to stay with you… As I said, tao ako, masakit talaga. Especially doon sa mga taong kinausap ko na one, two or three times. Masakit talaga, sana lang... from the onset, sabihin mo na lang na hindi mo kaya,"

Read also

LJ Reyes, diretsahang sinabing hindi madali para sa kanyang patawarin si Paolo Contis

"Hindi ko na controlled ang utak at puso ng ibang tao. May priorities sila, may priorities din naman kami. Hindi siguro nagtugma at this point. I will wish them well. I will wish them the best."

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Toni Gonza Studios:

Si Direk Lauren Dyogi ay Production Director ABS-CBN Entertainment at Head Director ng Pinoy Big Brother mula nang mapanood ito sa telebisyon noong Agosto ng 2005.

Marami ang naging tagasubaybay ng Pinoy Big Brother lalo na at karamihan sa mga kilalang artista ngayon ay mula sa naturang programa.

Kaya naman talagang kaabang-abang ang pagbubukas muli ng 'Bahay ni Kuya' sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10. Ilan sa mga inanunsyo nang official housemates ay sina Alexa Ilacad, Alyssa Valdez, Karen Bordador at maging si Madam Inutz.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica