Isko Moreno sa rason ng pagkandidato ni Leni Robredo: "Marcos na naman?"

Isko Moreno sa rason ng pagkandidato ni Leni Robredo: "Marcos na naman?"

- Nagbigay ng reaksyon si Mayor Isko Moreno patungkol sa umano'y rason ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng Pilipinas

- Sinasabing isa sa mga dahilan ay ang pagkandidato ni dating senator Bongbong Marcos at ang magkaibang opinyon nila ni Mayor Isko ukol dito

- Isa rin sa mga binigyang komento ni Isko ay ang paggamit ng pink o 'kalimbahin' bilang campaign color ni Robredo

- Dahil dito, natawag pa niya umano itong 'fake leader with fake color' kaya dapat hindi palinlang ang mga tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagsisimula pa lang ng halos ng mga kaganapan para sa Halalan 2022, nagiging mainit na ang mga pahayag ng mga kakandidato lalo na sa pagka-pangulo ng Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na isa na rito si Mayor Isko Moreno na nagpakawala ng ilang mga pahayag patungkol sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Isko Moreno sa rason ng pagkandidato ni Leni Robredo: "Marcos na naman?"
Manila Mayor Isko Moreno (Photo credit: Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Nakarating umano sa alkalde na isa raw sa rason ng pagkandidato sa pagka-pangulo ni VP Leni ay ang magkaibang opinyon nila sa mga Marcos at ang pagtakbo ni dating senator Bongbong Marcos.

"Talaga? So 'yun lang ang dahilan niya? 'yun lang ang dahilan niya kung bakit siya tatakbo dahil lang laban sa mga Marcos na naman?" pahayag ng kasalukuyang alkalde ng Maynila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Paano naman kaming mga Pilipino? Wala kaming trabaho. Maraming Pilipino nagdidildil na lang ng asin. Maraming Pilipino hindi malaman ano ang naghihintay sa kanya sa kinabukasan, Marcos na naman?" dagdag pa ni Mayor Isko.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Moreno na naibahagi ni Katrina Domingo:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.

Una nang napatutsadahan ni Isko si VP Leni Robredo patungkol sa umano'y pagtakbo nito bilang independent candidate at hindi na sa ilalim ng partido Liberal na naging rason umano ng pagpapalit din nito ng campaign color na ngayon ay 'pink' na.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica