Wilbert Tolentino, mas piniling ipamahagi ang Php200,000 na dapat sana'y premyo niya
- Ipamamahagi na lamang ni Wilbert Tolentino ang dapat sana'y premyo niya sa 'Last to leave the room challenge" kasama ang Beks Batallion
- Bilang siya naman ang nagpalaro nito at siya rin ang hindi umalis sa kwartong nilalagyan ng mga kakaibang mga hayop, ipamimigay na lamang niya ang premyo
- Sinang-ayunan naman ito ng Beks Battalion at pipili sila ng nasa 13 na msuswerteng netizens na magwawagi
- Kilala si Wilbert Tolentino 'si lamang sa pagiging isang vloggger kundi bilang isang pilantropo na tumutulong on and off man ng camera
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umiral na naman ang pagiging matulungin ni Wilbert Tolentino nang maisipan niyang itulong na lamang ang premyo sana niya sa 'Last to leave the room challenge' sa kanyang YouTube channel.
Nalaman ng KAMI na kasama ni Wilbert ang Beks Battalion na sina Lassy, MC Muah at Chad Kinis sa naturang episode.
Ang twist kasi sa challenge, unti-unting naglalagay ng mga kakaibang hayop sa loob ng kwarto tulad ng ipis, palaka, at iguana.
Sumunod na ipinasok ang tegu, at isang malaking Burmese Python na labis na kinatakutan ni MC Muah. Ito rin ang dahilan kung bakit siya ang unang lumabas sa kwarto.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maya-maya pa'y hindi na rin kinaya ni Lassy ang tensyon lalo na nang inilagay pa sa balikat nina Chad Kinis at Wilbert ang malaking python. Napalabas na rin ng kwarto si Lassy.
Ngunit habang nakapatong sa kanilang balikat ang python, napapasagi ang ulo nito kay Chad dahilan para siya'y labis na ring makaramdam ng takot.
"Nawala sila lahat," ang nasabi na lamang ni Wilbert nang umayaw na rin sa challenge si Chad.
Dahil siya naman umano ang nagpalaro at siya ang nanalo, napagdesisyunan na lamang ni Wilbert na ipamahagi sa netizens ang kanyang napanalunan.
Sinang-ayunan naman ito ng Beks Battalion kaya naman 10 masuwerteng netizens ang mananalo ng Php10,000, 2 naman ang magkakamit ng Php25,000 at isa ang magkakaroon ng Php50,000.
Narito ang kabuuan ng nakakaaliw na video collaboration nina Sir Wil at Beks Battalion:
Si Wilbert Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.
Isa rin siyang talent manager at isa nga sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.
Minsan ding naikwento ng isa ring kilalang vlogger na si Zeinab Harake na maging siya ay humahanga sa kabaitan ni Wilbert na tumutulong kahit na walang nakatutok na camera.
Source: KAMI.com.gh