Mariel Padilla, ibinahagi ang kanilang naging bakasyon sa Cuyapo, Nueva Ecija

Mariel Padilla, ibinahagi ang kanilang naging bakasyon sa Cuyapo, Nueva Ecija

- Sa kanyang vlog ay ibinahagi ni Mariel Padilla ang maiksing bakasyon nilang mag-anak sa bahay ng kanyang biyenan

- Pumunta sila sa bahay ng Mommy Eva ng kanyang mister sa Cuyapo Nueva Ecija

- Naroroon din ang kapatid ni Robin na si Rommel Padiila at ang mga pamangkin nila

- Masayang ibinahagi ng TV host na masayang masaya ang kanilang mga anak at ayaw na umano ng mga itong umuwi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel ay pinakita ni Mariel Padilla ang kanilang naging bakasyon sa bahay ng kanilang mama Eva sa Cuyapo Nueva Ecija.

Mariel Padilla, ibinahagi ang kanilang naging bakasyon sa Cuyapo, Nueva Ecija
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Naroroon din ang kapatid ni Robin na si Rommel Padiila at ang mga pamangkin nila. Masayang ibinahagi ng TV host na masayang masaya ang kanilang mga anak at ayaw na umano ng mga itong umuwi.

Read also

Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

Ayon pa kay Mariel, gusto talaga ni Mama Eva nila na pauwiin si Robin upang makasama niya at napagpasyahn naman ng aktor na dalhin ang kanyang pamilya.

Game din na umikot si Mariel sa palayan kung saan sumakay siya sa kinakargahan ng palay na hiniohila ng kalabaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi napigilang matawa ni Robin sa kanyang misis nang mapasigaw ito nang hinila na ng kalabaw ang kanyang sinasakyan.

Ito umano ang unang pagkakataon na makabisita ang kanilang anak sa bahay ng kanilang Mama Eca sa Cuyapo kaya para sa kanila ay sobrang espesyal ng kanilang pagbisita doon.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

China Roces, pinakita ang kanilang bagong bahay matapos ma-engage kamakailan

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel