Lola na na-prank bago makatanggap ng sorpresa, kinaaliwan

Lola na na-prank bago makatanggap ng sorpresa, kinaaliwan

- Trending sa YouTube ang isang video kung saan makikita ang reaksiyon ng isang lola matapos siyang i-prank bago makatanggap ng sorpresa

- Biniro siya na may delivery para sa kanya at kailangan niyang magbayad ng P10,000 na mariin niyang inalmahan

- Hindi niya akalaing isang malaking sorpresa pala ang naghihintay sa kanya sa loob ng sasakyang nakaparada sa harap ng kanyang tindahan

- Ang kanyang anak na nasa ibang bansa ang nakaisip ng prank bago maibigay ang sorpresa niya sa kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa reaksiyon ng isang lola matapos niyang marinig na may ededeliver na item sa kanya na nagkakahalaga ng P10,000. Mariin niyang itinanggi na may order siya kaya agad niyang pinaalis ang lalaking nagdeliver.

Lola na na-prank bago makatanggap ng sorpresa, kinaaliwan
Screenshot from ShopBest - My Best Shoppers YouTube channel
Source: Facebook

Sa YouTube video na ibinahagi ng YouTube channel na ShopBest- My Best Shoppers kinaaliwan ang biglang pagbago ng reaksiyon ni loa mula sa galit. Agad siyang napaiyak sa tuwa nang makita ang sorpresang nasa loob ng sasakyan.

Read also

Mura Padua, pinasok na rin ang paggawa ng YouTube videos

Isang money bouquet ang ibinigay sa kanya mula sa anak niyang nasa ibang bansa. Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-70 taong kaarawan ay PhP70,000 din ang perang kanyang natanggap.

Maging ang kanyang asawa ay nakatanggap din ng pera na nakalagay sa loob ng isang wallet.Abot-abot naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang kabuuan ng video dito:

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Kaya naman mas mabilis kumalat ang balita.

Isa sa nag-viral na kwento kamakailan ay ang tungkol sa magkasintahang nabiktima ng pang-iiscam ng isang wedding coordinator.

Walang nagawa ang bride kundi ang maiyak na lamang nang datnan ang reception na walang pagkain at walang reservation.

Read also

Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral

Matapos kumalat ang balita tungkol sa sinapit ng mag-asawa, nakarating ito sa aktres na si Neri Miranda at sinagot niya na ang reception.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel