Wil Dasovich, ibinahagi ang nakakaantig niyang "Letter from Nepal"
- Umani ng paghanga at emosyon ang ibinahaging video ni Wil Dasovich na kuha sa kanyang pagpunta kamakailan sa Nepal
- Naging makahulugan para sa karamihan ang kanyang video na pinamagatang "Letter from Nepal" dahil marami ang nakapansin na tila nilalarawan ni Wil ang pinagdadaanan nila ni Alodia Gosiengfiao kasunod ng napabalitang paghihiwalay
- Simula nang kumpirmahin ni Alodia ang balita, wala pa ring nilalabas na pormal na pahayag si Wil kaugnay sa isyu
- Nauna na rin sinabi ni Alodia na unti-unti na siyang nakakapag-move on sa kanilang paghihiwalay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang kumbisidong hindi lang patungkol sa kanyang pag-akyat sa Mt. Everest ang nilalarawan ni Wil Dasovich sa kanyang binahaging video na pinamagatang "Letter from Nepal."
Marami ang nakapansin sa tila malalim na hugot ni Wil sa kanyang pagkukuwento sa kanyang pinagdaanan sa Nepal kung saan sumali siya sa isang event para sa mga kagaya niyang YouTube content creator.
Kapansin-pansin din na hindi na sinagot ni Wil upang pabulaanan ang paniniwala ng netizens na tungkol sa breakup nila n Alodia ang kanyang video.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
I think Letter from Nepal means “Letter from Will”. It is really heartbreaking seeing the pain of Will through his eyes and same with Alodia’s livestreams too. I can say that this is the best story-telling I have ever seen in my whole entire life! From revealing the pain at the start of the video to the lines of apologies at the end - this vlog bursts all the feelings untold! All respect to Will and Alodia! I love you both!
This is a letter to his past. Mount Everest was used as a façade– a huge and marvelous one. This just means that behind Mount Everest, there is, or was, something greater than the majestic beauty of the mountain. He wanted to address that, and he did it the "Wil Dasovich" way– with great storytelling. Good to see you back, Wil!
appreciate how you were able to put into words those emotions in you. Not everyone has the capability like you do. Glad you were able to share a glimpse of your journey. Hope you're healing as well. ️ The great Chomolungma greets you.
Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.
Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pagreact sa ikalawang bahagi video ng Mantsong.
Source: KAMI.com.gh