Bato Dela Rosa, tatakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas para sa Halalan 2022
- Naghain na ng certificate of candidacy si Senator Ronald 'Bato' Dela rosa ngayong Oktubre 8
- Siya ang pambato umano ng partido PDP-Laban at nilinaw niyang matagal na nila itong plano
- Hindi lamang daw nila ito inihayag agad sa publiko upang hindi agad mabatikos
- Sa mismong press con ng COMELEC kung saan nagbibigay ng pahayag ang mga kandidato, diretsang sinagot ni Bato na kung papalitan siya ni Mayor Sara Duterte 'mas maganda' raw umano
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nag-file na ng ceritificate of candidacy si Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa ngayong Oktubre 7 sa Commission on Elections.
Nalaman ng KAMI na tatakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas si Senator Bato sa ilalim ng partido PDP-Laban.
Sa maiksing press con ng Comelec para sa mga kakandidato, naihayag niya ni Bato na matagal na umanong plano ng kanilang partido ang kanyang pagtakbo.
"Matagal na, pero tinatago lang namin. 'Yun ang diskarte para kasi kung maaga ka magbalita, wala titirahin ka kaagad," paliwanag ng senador.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang tanungin naman siya patungkol sa posibilidad na papalitan siya ni Mayor 'Inday Sara' Duterte-Carpio, diretsahan namgn sinagot ito ni Bato ng "E 'di mas maganda!"
"This is a partner decision, this is not my personal decision. Kasi kung ako lang masuusnod, kung patatakbuhin nila ako, tatakbo pa rin ako," dagdag pa ng dating PNP chief.
Samantala, sa follow up questions naman ng press, sinabi ni Senator Bato na wala umano siyang alam kung patuloy pa rin ang pagkumbinsi kay Mayor Sara na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Comelec:
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito. Kamakailan ay naghain na rin ito ng certificate of candidacy sa muling pagtakbo niya bilang alkalde ng Davao City.
Matatandaang mariin ding itinanggi mismo ito ni "Inday Sara" umano'y pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.
Source: KAMI.com.gh