Ex ni AJ Raval na si Axel Torres, usap-usapan dahil sa ibinahaging lyrics ng kanta

Ex ni AJ Raval na si Axel Torres, usap-usapan dahil sa ibinahaging lyrics ng kanta

- Sa patuloy na pag-usad ng kwento ng tila pagkakamabutihan nina Aljur Abrenica at AJ Raval, hindi maiwasang maiugnay sa dalawa ang lahat ng mga pahayag ng mga taong naiugnay sa kanila

- Kabilang na nga dito ang dating adult housemate sa Pinoy Big Brother: All In na si Axel Torres

- Si Axel ang ex-boyfriend ni AJ bago ito maiugnay kay Aljur kaya hindi maiwasang iugnay ng netizens ang ibinahagi nitong umano'y lyrics ng kanta

- Ang mensahe ng kanta na kanyang ibinahagi ay kaugnay sa pagiging malungkot niya habang ang kanyang ex ay masaya kasama ang isang taong nauna na umanong sinabi ng ex na hindi dapat niya ipag-alala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling naging usap-usapan sina Aljur Abrenica at AJ Raval matapos magpost ng ex ng aktres na si Axel Torres. Dahil siya ay kilalang ex ni AJ, hindi maiwasang iugnay ng netizens ang ibinahagi nitong umano'y lyrics ng kanta.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Ex ni AJ Raval na si Axel Torres, usap-usapan dahil sa ibinahaging lyrics ng kanta
Axel Torres (@axe1torres)
Source: Instagram

Tila pasaring kasi iyon sa kanyang ex na kaugnay sa pagiging malungkot niya habang ang kanyang ex ay masaya kasama ang isang taong nauna na umanong sinabi ng ex na hindi dapat niya ipag-alala.

Sa comment section ay sinabi lamang niyang kanya iyon. Gayunpaman, sa kanyang Instagram stories ay marami pang mga post kung saan tinakpan niya ang mukha ng isang babae at pagbabahi ng lyrics ng kantang pinasikat ni Olivia Rodrigo na "Traitor."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang lalong naging maugong ang usap-usapang nagkakamabutihan na sina AJ at Aljur matapos lumabas ang mga pictures nila kung saan namataan silang magkasama at magkahawak-kamay.

Si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ni Direk Darryl Yap.

Read also

Madam Kilay, natukoy ang hacker at nabawi ang kanyang YouTube account

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel