Viral na newlyweds na naloko umano ng wedding coordinator, natuloy na ang reception

Viral na newlyweds na naloko umano ng wedding coordinator, natuloy na ang reception

- Natuloy na rin ang reception ng bagong kasal na naloko kamakailan ng kanilang wedding coordinator

- Ibinahagi ni Neri Miranda ang video ng ilan sa mga kaganapan sa reception na handog niya sa newlyweds

- Kitang-kita ang kasiyahan ng dalawa sa natuloy na nilang wedding reception

- Hinarana pa sila ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda para sa kanilang first dance

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napalitan na ng mga ngiti at kasiyahan ang noo'y nag-viral na pag-iyak ng bride na si Cherry Pie Satingasin dahil sa umano'y panloloko sa kanila ng kanilang wedding coordinator na si Naser Fuentes.

Matatandaang walang naging wedding reception sina Cherry Pie at mister nitong si Arniel dahil walang nai-book si Naser kahit fully-paid na ang lahat ng gastusin sa kasalan.

Viral na newlyweds na naloko umano ng wedding coordinator, natuloy na ang reception
Sina Cherry Pie at Arniel sa kanilang masayang wedding reception (Photo credit: @mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Matapos na mag-viral agad na nagmagandang loob at aktres at kilalang negosyanteng si Neri Naig-Miranda na sagutin at bigyan ng napakagandang wedding reception sina Cherry Pie at Arniel.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Kamakailan, ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram ang ilan sa mga kaganapan ng natuloy nang wedding reception ng bagong kasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa venue at food, may ilan pang regalo si Neri sa mag-asawa kabilang na rito ang online performance ng kanyang mister at frontman ng bandang 'Parokya ni Edgar' na si Chito Miranda.

Hinarana ni Chito ang newlyweds para sa kanilang first dance bilang mag-asawa.

Noong nakaraang linggo, Setyembre 25 ay umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo ang reklamo nina Cherry Pie at Arniel sa kanilang wedding coordinator na si Naser Fuentes.

Agad namang nadakip si Naser ng mga awtoridad at nakasuhan ng estafa lalo na at hindi ito ang unang beses na nakapanloko siya ng kanyang mga naging kliyente.

Samantala, sinagot din ni Raffy Tulfo ang honeymoon ng bagong kasal bilang regalo niya sa mga ito.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Bukod dito, si Tulfo na rin ang magbabayad sa iba pang mga nagbigay serbisyo sa kasalan na hindi na nabayaran pa ng tumakas ng wedding coordinator.

Nais lamang na ipaalala ng KAMI na sa kabila ng ating kalayaan sa pagbibigay ng komento o kanya-kanyang opinyon, lagi pa rin nating isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel