Raffy Tulfo, nagpaalam at iiwan na rin ang Frontline Pilipinas

Raffy Tulfo, nagpaalam at iiwan na rin ang Frontline Pilipinas

- Nagpaalaam na rin si Raffy Tulfo sa Primetime news show niya, ang Frontline Pilipinas

- Magkahalong lungkot at saya raw ang kanyang naramdaman sa pamamaalam sa mga naging tagasubaybay ng kanilang news program

- Ibinilin din niya ang program sa kanyang kapwa news anchor na si Cheryl Cosim

- Una nang nagpaalam si Tulfo sa 'Idol in Action' na huling naisa-ere ngayong Oktubre 1

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iniwan na rin ni Raffy Tulfo ang Primetime news show na kinabibilangan niya, ang Frontline Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na ngayong Oktubre 1, pormal nang nagpaalam si Tulfo sa news program na mahigit isang taon din niyang kinabibilangan.

Raffy Tulfo, nagpaalam at iiwan na rin ang Frontline Pilipinas
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

"May halong lungkot po at saya ang aking nararamdaman ngayon sa aking gagawing pagpapaalam po sa inyo dito sa Frontline Pilipinas," ani Tulfo na una na ring namaalam sa morning show niya na 'Idol in Action.'

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Pinasalamatan niya ang kanyang mga boss, staff at crew ng programa sa mahigit isang taon nilang pagsasama sa programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayundin ang kanyang kapwa news anchor sa Frontline Pilinas na si Cheryl Cosim na pinagbilinan niya ng kanilang news show.

"Isang karangalan na mula ngayon at magpakailanman ay nakatatak na sa aking puso at aking maipagmamalaki saan man po ako makakrating. Ang aking taos-puso ring pasaalamat sa lahat ng sumusuporta sa Fronlint Pilipinas at sana po ay patuloy niyong suportahan at mahalin ang news program nating ito"

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa Radio Singko 92.3 News FM:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica