Rabiya Mateo, hinangaan sa kanyang graceful na pagbangon matapos madulas

Rabiya Mateo, hinangaan sa kanyang graceful na pagbangon matapos madulas

- Isa sa pinakapinag-usapan sa Miss Universe Philippines 2021 pageant ay ang hindi inaasahang pagkadulas ni Rabiya Mateo sa stage

- Ito ay naganap sa tribute segment sa Miss Universe Philippines 2021 pageant ngayong Huwebes ng gabi, September 30

- Napaluhod man siya matapos niyang madulas, agad naman siyang bumangon at hinangaan ng netizens ang kanyang pagiging kalmado at graceful

- Paalala niya sa mga pageant fans na nanood, "Once you [fall], you have to stand up."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang huling gabi bilang Miss Universe Philippines, isang paalala ang iniwan ni Rabiya Mateo. Matapos ang kanyang pagrampa sa tribute segment sa Miss Universe Philippines 2021 pageant ngayong Huwebes ng gabi, September 30, nadulas siya at napaluhod habang paalis na sana ng stage.

Rabiya Mateo, hinangaan sa kanyang graceful na pagbangon matapos madulas
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Gayunpaman, hindi nag-panic ang beauty queen. Bagkus tumayo siya ay humarap muli sa audience. Paalala niya sa mga pageant fans na nanood, "Once you [fall], you have to stand up."

Read also

Dra. Vicki Belo, ibinunyag na may dalawang MUPH 2021 candidate na lumabag sa rules

Marami naman sa mga pageant fans ang humanga sa kanyang naging reaksiyon matapos niyang madulas.

Our Queen Rabiya already made her last walk but still, she is the one and only PHENOMENAL WITH A HEARTFELT BEAUTY. Until we see you again Queen R! Goodluck to your next journey

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Fall once, stand up a thousand times! We needed that strength and moment during the Miss Universe 2020 stage!
Everything is possible as long as you put your heart in it. Red heart Very well said, My Queen Rab.

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Beatrice Luigi Gomez, kinoronahan bilang Miss Universe PH 2021

Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.

Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng paghahayag ng opinyon o saloobin ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate