Dra. Vicki Belo, ibinunyag na may dalawang MUPH 2021 candidate na lumabag sa rules

Dra. Vicki Belo, ibinunyag na may dalawang MUPH 2021 candidate na lumabag sa rules

- Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Dra. Vicki Belo ang ilang kaganapan sa Miss Universe Philippines 2021 pageant

- Naikwento niyang dalawa sa mga kalahok ang lumabag sa rules na naitakda para sa lahat ng kasali

- Ang dalawang kalahok na hindi na niya pinangalan ay nagpa-ayos ng kanilang makeup sa labas at hindi iyon pinapayagan

- Matatandaang lumabas din ang ganitong isyu noong nakaraang Miss Universe Ph 2020 pageant

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang isa sa mga hurado sa kakatapos lang na Miss Universe Philippines 2021 pageant, naibahagi ni Dra. Vicki Belo ang ilang kaganapan sa pageant at maging ang kanyang personal na karanasan sa pagiging isang hurado sa isang pageant sa panahon ng pandemya.

Dra. Vicki Belo, ibinunyag na may dalawang MUPH 2021 candidate na lumabag sa rules
HOLLYWOOD, CA - MAY 09: Doctor Vicki Belo arrives at "The Road" Los Angeles Special Screening at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by Paul Redmond/WireImage)
Source: Getty Images

Sa kanyang Instagram story ay nabanggit ng celebrity doctor ang tungkol sa paglabag sa rules ng dalawa sa mga kalahok.

Read also

Ivana Alawi at kapatid na si Amira, nakasama ang kanilang mama sa isang salon date

Naku I have chismis for you. Two candidtaes broke the rules kanina and had their makeup done somewhere else but I can't tell you who they are. It's not good, breaking rules."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang lumabas din ang ganitong isyu noong nakaraang Miss Universe Ph 2020 pageant. Ito ang isyung ipinupukol noon kay Rabiya Mateo. Gayunpaman, isang video ang lumabas kinalaunan na nagsilbing patunay na hindi totoo ang isyu.

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Read also

Andi Eigenmann, pinakita ang kanilang pag-surf ni Philmar Alipayo

Nagdiwang siya ng kanyang ika-65 na kaarawan noong Enero si doktora Belo. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng paghahayag ng opinyon o saloobin ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel