Mag-inang 'di makauwi sa probinsya at nakatira sa abandonadong CR, natulungan ni Tulfo

Mag-inang 'di makauwi sa probinsya at nakatira sa abandonadong CR, natulungan ni Tulfo

- Natulungan ni Raffy Tulfo ang mag-inang nananatili lamang sa abandonadong palikuran

- Nawalan ng trabaho ang ina at ang pamasahe sana nila para makauwi ng Iloilo ay naubos na habang lockdown

- Isang kaibigan lamang niya ang nagmalasakit na patuluyin sila sa isang abandonadong CR sa loob ng dalawang buwan

- Bukod sa makakauwi na ang mag-ina sa probinsya, sisiguruhin ni Tulfo na magkakaroon na sila ng ikabubuhay sa probinsya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natulungan ni Raffy Tulfo ang mag-inang nanatili sa abandonadong CR sa loob ng dalawang buwan na.

Nalaman ng KAMI na humingi ng saklolo si Lona May Daruca kay Tulfo gayung nawalan siya ng trabaho at hindi na nakauwi agad ng probinsya dahil umano sa lockdown.

Kwento ni Lona sa Wanted sa Radyo, ang perang pinadala sa kanya ng kapatid sa para sana sa pamasahe nila sa pag-uwi ay naubos na dahil sa pang-araw araw nilang gastusin.

Read also

Raffy Tulfo, nilinaw na hindi siya tatakbo bilang bise presidente ng bansa sa Eleksyon 2022

Mag-inang 'di makauwi sa probinsya at nakatira sa abandonadong CR, natulungan ni Tulfo
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Isang kaibigan lamang umano ang nagmalasakit sa kanya at kanyang anak na manatili sa abandonadong palikuran.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masikip, malamok at hindi talaga komportable ang mag-ina sa kanilang kalagayan.

Laking pasalamat na lamang nila sa mga nagpapaabot ng paunti-unting tulong sa kanila upang makaraos ang kanilang mag-hapon.

Agad na ipinasundo ni Tulfo ang mag-ina upang mailipat muna sa hotel pansamantala habang inaasikaso nila ang mga papeles sa kanilang pag-uwi.

Bukod pa rito, siniguro rin ni Tulfo na magkakaroon ng pangkabuhayan si Lona upang may pagkakitaan siya roon gayundin ang kanilang pamilya.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikan at respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Street food vendor na kasa-kasama ang anak sa paglalako, natulungan ni Raffy Tulfo

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Kamakailan lamang ay nilinaw ni Tulfo na wala umanong katotohanan ang mga balitang tatakbo siya bilang bise presidente ng bansa. Ito ay sa kadahilanang malaki umano ang respeto niya kay Pangulong Duterte na matunog ding tatakbo sa nasabing posisyon at ayaw niya raw itong kalabanin.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: