Viral post ng 23-anyos na breadwinner, umantig sa puso ng netizens

Viral post ng 23-anyos na breadwinner, umantig sa puso ng netizens

- Marami ang naka-relate sa post ng isang breadwinner ng pamilya na si Alfredrick Gayoma

- Makikita kasi sa kanyang post ang listahan ng monthly expenses nila ng kanyang pamilya

- Halos Php 30,000 ito at sa edad na 23 ay siya na umano lahat ng may responsibilidad nito

- Humanga naman ang mga netizens sa kanya at sinabing masuwerte ang kanyang pamilya na mayroong isang tulad niyang nagmamalasakit sa mga ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umantig sa puso ng marami ang viral post ni Alfredrick Gayoma kung paano maging isang breadwinner ng pamilya.

Nalaman ng KAMI na sa edad na 23-anyos, si Alfredrick na ang umiintindi sa mga nakalistang gastusin ng kanilang pamilya.

Makikita dito ang mga bayarin sa tubig, kuryente, internet, renta sa bahay at grocery.

Post ng 23-anyos na breadwinner ng pamilya, umantig sa puso ng netizens
Photo from Pixabay
Source: Facebook

Gayundin ang iba pang mga bayarin tulad ng utang, tuition, iba pang mga kagastusan at hindi mawawala ang budget na nakalaan para sa gamot ng ina.

Read also

Andi Eigenmann, pinakita ang kanilang pag-surf ni Philmar Alipayo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Having been able to pay for everything makes other people think that you are creating tons of money, but you are just barely surviving."
"You will be thinking everyday, when will better days happen."

"You will be everyday envious of those people of your age winning with life because they can care less about others. They can have their resources for their own personal growth and happiness," ang ilang bahagi ng naging pahayag ni Alfredrick sa kanyang viral post.

Gayunpaman, umani siya ng papuri mula sa mga netizens at marami umano ang nakaka-relate sa kanya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kaya yan bro. let's be thankful na mayroon tayong pambayad sa mga kagastusan na 'yan"
"Talagang may budget para sa gamot ng mama niya. Isa kang mabuting anak. masuwerte ang pamilya mo sa'yo"

Read also

Anne Curtis, muling pinarinig ang kanyang talento sa pagkanta

"Isang mahigpit na yakap para sa'yo! Mas lalo kang pagpapalain dahil sa pagmamahal mo sa family mo"
"Maswerte ang family mo, sa edad mo na 'yan kaya mo na mag-budget. Marami ka na agad natutunan sa buhay"

Kamakailan ay nag-viral din ang post tungkol sa isang delivery rider na nagawang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

Kwento ng rider, may sakit ang kanyang ama at ang ina naman niya ang nag-aalaga rito.

Walang ibang inaasahan ang kanilang pamilya kaya sinisikap niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica