Anne Curtis, muling pinarinig ang kanyang talento sa pagkanta
- Marami ang naaliw sa Instagram post ni Anne Curtis kung saan muli niyang ibinida ang kanyang pagkanta
- Ito umano ang kanyang kadalasang libangan at madalas niyang gawin kapag araw ng Sabado
- Ipinakita din niya ang kanyang nakuhang score matapos ang kanyang pagkanta at umabot ito ng 98
- Marami din sa mga kasamahan at kaibigan niya sa showbiz ang nag-react sa kanyang Instagram post na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Balik sa pagbabahagi ng aliw si Anne Curtis sa kanyang Instagram post kung saan pinarinig niyang muli ang kanyang pag-awit sa mga netizens.
Tinanong niya pa ang mga ito kung na-miss daw ba nila ang kanyang pagkanta.
Did you guys miss this? I know I did! Buti na lang may @grandvideoke so I can keep practicing… bilang nakapahinga my voice for almost 2 years now Let me know if you have requests! Hahahahahaha!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ito umano ang kanyang kadalasang libangan at madalas niyang gawin kapag araw ng Sabado. Ipinakita din niya ang kanyang nakuhang score matapos ang kanyang pagkanta at umabot ito ng 98. Marami din sa mga kasamahan at kaibigan niya sa showbiz ang nag-react sa kanyang Instagram post na ito kabilang sina Angel Locsin at ang mang-aawit na si Racel Anne Go.
Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.
Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.
PAALALA: Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh