Madam Inutz, sinupla ang ex na nagmessage at nagsabing proud daw sa kanya
- Sa kanyang pakikipag-collab sa vlogger na si Angelica Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl, naitanong sa kanya ang tungkol sa isang viral na video niya
- Ito ang video kung saan sinabi niyang ang kanyang ex ay nagmessage sa kanya at nagsabing proud daw ito sa kanya
- Pinaalala nito ang sinabi umano sa kanya ng ex niyang ito na hindi siya sisikat kaya tumigil siya sa kanyang pangarap
- Diretsahan naman pinangalanan ni Madam Inutz ang tinutukoy niyang ex na ama ng kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi na itinago ni Madam Inutz ang pagkakakilanlan ng ex niyang kanyang nabanggit sa isang video niya kung saan sinabi niyang nagmessage umano ang ex niya at nagsabing proud ito sa kanya.
Dito din ay pinaalala nito ang sinabi umano sa kanya. "Did you remember? You told me that I will never be famous, stop dreaming."
Nilinaw naman niyang nag-uusap sila ng ex niyang ito na ama ng kanyang ank lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya. Nag-uusap umano sila para sa kanyang anak.
Pabiro pa nitong kinantiyawan ang ex na tingnan ang babaeng kanyang sinayang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na nakilala nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.
Lalong dumami ang kanyang viewers matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.
Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapamanage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao.
Source: KAMI.com.gh