Ina ni Bree Jonson, pinayagan si Julian Ongpin na pumunta sa burol ng artist
- Kasalukuyan nang nakaburol ang labi ng artist na si Bree Jonson
- Sa kabila umano ng wala pang kalinawan sa mga pangyayari, inimbitahan pa ng ina ni Bree si Julian Ongpin na makita ang artist sa huling sandali
- Si Julian ang huling nakasama ni Bree bago matagpuan itong wala nang buhay sa nirentahan nilang kwarto sa La Union
- Kamakailan, inilabas na rin ang CCTV footage na kuha sa labas ng kwarto ng dalawa kung saan sinabi ng pulisya na nagtatalo umano ang mga ito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinahintulutan ni Sally Jonson, ang ina ng artist na si Bree Jonsion, na masilip ito sa huling sandali ng sinasabing nobyo ni Bree na si Julian Ongpin.
Nalaman ng KAMI na sa kabila ng ilang mga kinikwestyon umano ng ina ni Bree sa imbestigasyon, malaya pa rin umano si Julian na makita si Bree bago nila ito ihatid sa huling hantungan.
"Kung talagang girlfriend mo si Trixie at may nabasa akong statement niya na that he loves Trixie or Bree, then come here noh. You're free to view her before we go home," ang mensahe ni Sally kay Julian base sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.
Setyembre 26 nakatakdang iuwi ang labi ni Bree sa Davao City kung saan ito ililibing.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Bree Jonson ay isa sa mga kilalang mahuhusay na painter sa bansa. Naging maugong ang pangalan niya kamakailan nang matagpuan itong walang buhay sa nirentahang kwarto sa isang Resort sa La Union noong Setyembre 18.
Kasama ni Bree sa naturang resort ang umano'y kasintahan niyang si Julian Ongpin, ang anak ng bilyonaryong si Roberto "Bobby" Ongpin.
Inilabas din ang CCTV footage na kuha umano sa labas ng nirentahan nilang kwarto kung saan sinasabi umano ng pulisya na tila nagtatalo ang magkasintahan.
Agad namang nilabas ang resulta ng imbestigasyon at autopsy na ginawa sa labi ni Bree kung saan ang sanhi umano ng kanyang pagkamatay ay asphyxia o ang kakulangan ng oxygen sa katawan na ang ilang posibleng dahilan umano ay ang pagkalunod, hika o ang pagsakal.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa na magbigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh