Painter na si Bree Jonson, natagpuang patay sa La Union resort
- Si Bree Jonson ay natagpuang patay sa isang resort sa La Union
- Sa kasalukuyan ay hindi pa natitiyak ang eksaktong ikinamatay ni Bree
- Nagsampa ang pulis ng kaso sa kanyang companion at diumano’y boyfriend na si Julian Ongpin matapos itong mag-positibo sa ilegal na droga, ayon sa mga pulis
- 12.6 grams na ilegal na droga mula sa kwarto nila Julian ang umano’y na-recover ng mga pulis
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Natagpuang patay ang artist at painter na si Bree Jonson sa isang resort sa La Union. Hindi pa natitiyak ang eksaktong ikinamatay ni Bree.
Ayon sa report ng GMA News, nagsampa ang pulis ng kaso sa kanyang companion at diumano’y boyfriend na si Julian Ongpin matapos itong mag-positibo sa ilegal na droga.
Mayroon din na-recover ang pulis na 12.6 grams na ilegal na droga mula sa kwarto nila Julian, sinabi ng kapulisan. Hindi pa nakakapag-release ng official statement si Julian ukol sa mga akusasyon sa kanya.
Si Julian ay anak ng mayamang businessman na si Roberto Ongpin, na naging Minister of Trade and Industry noon, ayon sa Philippine Lifestyle News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa report naman ng Bilyonaryo.com, ilang artists at mga kaibigan ang nagbigay pugay kay Bree matapos ang trahedya. Ipinakita ng ilan sa kanila ang ilan sa mga magagandang paintings na ginawa ni Bree. Nakikiramay ang KAMI sa mga kaibigan at pamilya na naiwan ni Bree Johnson.
Sa taong 2021, may ilan ng Filipino public figures ang namaalam ng maaga. Sa tuwing ito ay nangyayari, maraming Pilipino ang nagluluksa at nagdadalamhati.
Isa na rito ay ang komedyanteng si Mahal Tesorero. Pumanaw si Mahal ilang linggo na ang nakakaraan matapos siyang mag-positibo sa COVID-19. Ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa vlogging na si Mygz Molino ay nagulat at naging emosyonal sa biglaang pagpanaw ng komedyante.
Nito namang Hunyo, nagulat ang buong bansa nang namatay si Noynoy Aquino, dating pangulo ng Pilipinas at kapatid ni Kris Aquino. Namatay si Noynoy sa edad na 61 matapos ang pakikipaglaban sa kidney disease at diabetes. Hindi nakapunta sa dialysis session si Noynoy bago ang kanyang pagpanaw.
Source: KAMI.com.gh