Donita Nose sa makapigil-hiningang prank ni Tekla: "Nanginginig din ako!"

Donita Nose sa makapigil-hiningang prank ni Tekla: "Nanginginig din ako!"

- Aminadong ninerbyos si Donita Nose sa makapigil hiningang prank sa kanya ni Super Tekla

- Napaniwala kasi siya ni Tekla sa galing ng acting nito at gumamit pa ito ng props

- Inakala nilang may hindi magandang nangyari kay Tekla gayung sa dami ng kanilang mga ginawang challenge

- Doon naman nila napatunayan ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa kanilang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang binalot ng kaba ang pinakabagong vlog ng Donekla in Tandem matapos na i-prank ni Tekla si Donita Nose.

Nalaman ng KAMI na may iba't ibang challenge ang ginawa nina Tekla at mga kaibigan para sa vlog ng 'Donekla.'

Ginawa nila ito upang mas lalong mapapaniwala si Donita na tila nahirapan si tekla sa mga ginawa nitong mga challenge.

Donita Nose sa makapigil-hiningang prank ni Tekla: "Nanginginig din ako!"
Sina Donita Nose at Tekla (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: Instagram

Makikita pa sa video na makailang beses na humahawak sa dibdib si Tekla na aakalaing nga namang may hindi na magandang nangyayari sa kanya.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang sa tuluyan na niyang ginawa ang prank kay Donita. Gumamit pa kasi si Tekla ng props para mapaniwalang may dugo pa sa kanyang bibig.

Kitang-kita sa video ang labis ng pag-aalala ng kanilang mga kaibigan lalo na ni Donita na hindi talaga binitawan si Tekla kahit bumulagta na ito.

Hindi nagtagal, para na rin maibsan ang nerbyos ng kanyang mga kaibigan, sinabi na ni Tekla na prank lamang ito.

"Sa totoo lang kinabahan talaga ako... 'Yung nerbyos ko mula daliri ko sa paa, paakyat sa buhok ko," ang nasabi ni Donita.

Napatunayan din nila na labis-labis ang pagmamalasakit at pagmamahalan nila bilang magkakaibigan dahil lahat halos ay aligaga kung paano matutulungan si Tekla.

Mapapanood ang kabuuan ng video mula sa kanilang YouTube channel na 'Donekla in Tandem':

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Kasalukuyan na silang mayroong 2.99 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Kamakailan lamang, ipinagdiwang nina Donita at Tekla ang first anniversary ng kanilang YouTube channel. Hindi naiwasang maging emosyonal nang dalawa nang kanilang balikan ang mga nangyari sa loob ng isang taon. Ibinahagi rin nila ang unboxing nila ng kanilang gold play button sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong subscribers.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel