Alex Gonzaga, binuking na gustong ipabura ni Mommy Pinty ang BoPin channel
- Naibahagi ni Alex Gonzaga na ginusto na umano ng kanyang Mommy Pinty na magpaka-Jamill
- Ang kanyang tinutukoy ay ang kagustuhan ng kanyang ina na burahin na lamang ang YouTube channel nila ni Daddy Bonoy na BoPin
- Aniya, kakasimula pa lamang nila sa kanilang channel ay may sulat na kaagad ang BIR sa kanila
- Matatandaang naging isyu ang tungkol sa pagbabayad ng buwis ng mga vloggers kamakailan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Alex Gonzaga, tila gustong magpaka-Jamill ng kanyang inang si Mommy Pinty dahil gusto na nitong ipabura ang kanilang YouTube channel ni Daddy Bonoy. Ang kanilang Channel na BoPin ay mayroon nang mahigit 1 milyong subscribers kahit bago pa lamang sila sa YouTube.
Bilang mga magulang ng dalawa sa mga pinakasikat na YouTuber sa bansa, naging madali na lamang ang paglaki ng bilang ng kanilang mga subscribers at umabot sa milyon-milyon ang mga views sa kanilang videos.
Ani Mommy Pinty, kakasimula pa lamang nila ay may sulat na kaagad ang BIR sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ani Mommy Pinty, nakadgdag pa sa kanyang ioniisip ang pagkakaroon nila ng YouTube channel.
Naibahagi din ni ALex kung gaano ka interesado ang kanyang daddy sa vlogging at marami umano itong ideas sa mga content na gagawin nila. Gayunpaman, nape-pressure umano ito kapag tinatanong na ng mga tao kung kailan ang kanilang sunod na vlog.
Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay mas sumikat nang magkaroon ng YouTube channel ang anak nilang si Alex Gonzaga na siyang nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.
Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh