Madam Inutz, thankful sa mga biyayang natatanggap para sa mga magulang

Madam Inutz, thankful sa mga biyayang natatanggap para sa mga magulang

- Viral ngayong ang larawan ni Madam Inutz kasama ang kanyang mga magulang

- Makikita kasi ang malaking pagbabago sa kalusugan ng mga ito lalo na na kanyang ina

- Kung dati'y nakahiga lamang ito madalas tuwing ipinakikita ni Madam Inutz, ngayon, mapapansin ang pagbabalik sigla nito

- Dahil dito, mas lalong dumami ang humanga kay Madam Inutz dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa para kay Madam Inutz nang ibahagi nito ang larawang kanyang mga magulang na nakangiti at masigla.

Sa kanyang Facebook post noong Setyembre 25, makikita kung gaano kasaya ang mga magulang ni Madam Inutz.

Madam Inutz, thankful sa mga biyayang nata tanggap para sa mga magulang
Si Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo credit: Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook
"Diyan lang kayong dalawa, dito lang ako para tignan at alagaan kayo"
"Marami pa akong gusto magawa para senyo nanay, tatay. Mahal na mahal ko kayong dalawa"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Kapansin-pansin din ang unti-unti nang panunumbalik ng lakas at sigla ng nanay ni Madam Inutz.

Matatandaang madalas niyang masabi sa interview kung gaano niya kamahal ang ina at nang ito ay ma-stroke, kahit pa naubos ang ipon niya, siniguro lang niyang naipagagamot niya ang kanyang ina.

Dahil dito, lalo siyang hinangaan ng mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kaya madami ka blessings, iba tlga 'pag may mbuting puso mapagmahal sa mgulang"
"Tama ang kasabihang 'pag di ka madamot sa magulang mo, puno rin ng biyaya ang pamumuhay ng isang ulirang anak"
"Ang laki na ng improvement ng nanay mo Madam Inutz, ramdam din niya kasi ang saya sa blessings na natatanggap niyo"
"Pinagpapala talaga ng Panginoon yung marunong mag-alaga at magmahal ng magulang. Kaya bumabalik na ang lakas ni nanay o!"
"Masaya kami para sa'yo madam Inutz, deserve mo po lahat ng natatanggap mo ngayon"

Nakilala si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz dahil sa kanyang viral online selling na umabot sa 15,000 ang mga 'nakatambay' at wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga panindang ukay.

Read also

Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Sunod-sunod na ang mga naging proyekto ni Madam Inutz dahil na rin sa mabuting pangangalaga sa kanya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Kamakailan ay inilabas na ang official music video ng kanyang single na 'Inutil' na mapapanood sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez.'

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel