Kiray Celis, pinakita ang kanyang suporta kay Mygz Molino sa pagdadalamhati nito

Kiray Celis, pinakita ang kanyang suporta kay Mygz Molino sa pagdadalamhati nito

- Isa si Kiray Celis sa naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ate Mahal na nakasama niya sa lock-in taping ng Owe My Love

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kaya naman, hindi niya napigilang sobrang malungkot sa pagkawala ni Mahal lalo at napalapit siya nang husto sa komedyante

- Sa emosyonal na pagbabahagi ni Mygz Molino ng mga pangyayari ay bumuhos ang suporta ng kanilang fans kabilang na mula kay Kiray

- Matatandaang nauna na rin hiniling ni Kiray noon sa mga netizen na ipagdasal si Mygz dahil alam niya kung gaano nito inalagaan si Mahal

Bukod sa mga fans nila Mahal Tesorero at Mygz Molino, isa si Kiray Celis sa nagpahayag ng kanyang pagsuporta kay Mygz sa pagdadalamhati nito sa pagkawala ng kanyang ka-tandem na si Mahal.

Kiray Celis, pinakita ang kanyang suporta kay Mygz Molino sa pagdadalamhati nito
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ate Gay, masyado lang umano na-provoke kaya niya nabanggit ang presyo ng tulong ni Vice Ganda

Matapos ang ilang linggong pananahimik ay minabuti ni Mygz na ipaliwanag sa lahat ang nangyari kay Mahal, Sa kanyang pagbabahagi ay hindi nito napigilang maiyak. Sa kanyang mensahe ay ibinahagini Mygz ang kanyang pamamaalam.

Paalam Mahal salitang napakahirap sabihin na sa isang iglap di na kita mahahawakan at maririnig ang iyong munting halakhak na siyang nagbibigay saya hindi lang sa akin kundi sa lahat ng iyong mga supporter.

Hindi nito napigilang alalahanin ang mga bagay na ginagawa ni Mahal.

Ang sakit isipin na wala na rin ang Mahal na tatawag sa akin ng Attorney, wala ng Mahal na akin pagsisilbihan, paghahandaan ng pagkain at alalayin, bibihisan at sasabihan ng Good Morning kasabay sa katuwaan kasiyahan at kalokohan, walang ng Mahal ang mangungulit sa mga panahon stress ka.

Narito naman ang mensahe ni Kiray kay Mygz.

Mahal na mahal ka namin kuya!!! Andito lang kami lagi para sayo.. kaya natin to :(

Read also

Mygz Molino at kanyang pamilya, dumalaw na sa puntod ni Mahal

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel